PAGASA: Posibleng may isa o walang bagyo ngayong Marso
NGAYONG buwan ng Marso, isang bagyo ang inaasahang mabuo o pumasok sa ating bansa.
Pero posible din daw na walang sama ng panahon ang maranasan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
“Ngayong Marso ay mababa pa rin ang tiyansa na nagkakaroon tayo ng mga bagyo pero posible pa din ito,” sey ng weather specialist na si Benison Estareja sa isang public weather forecast.
“For this month, zero or one po na bagyo ang posible,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Jake plano talagang pumasok sa politika tulad ni Erap, pero biglang nagbago ang desisyon
Simula nang pumasok ang bagong taon ay wala pang sama ng panahon ang naitatala sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sakali raw na magkaroon na bagyo ngayong buwan, papangalanan itong “Agaton.”
Base rin sa data ng weather bureau, ang mga buwan ng Pebrero at Marso ang may pinaka konting bagyo na may average na 0.3 simula 1948 hanggang 2023.
Samantala, ang may pinakamaraming bagyo na ating nararanasan ay ang buwan ng Hulyo na may average na 3.2 sa kaparehong mga taon.
Alam niyo ba mga ka-BANDERA, Dahil sa geographical location ng Pilipinas, tayo ay “prone” na magkaroon ng mga bagyo na karaniwan ay nagdudulot ng matinding pag-ulan at pagbaha na maaaring magresulta ng casualties at pagkasira ng mga pananim at ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.