Elle Villanueva 7 years nagtiis sa toxic na relasyon

Elle Villanueva 7 years nagtiis sa toxic na relasyon, may hiling kay Lord

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Elle Villanueva 7 years nagtiis sa toxic na relasyon, may hiling kay Lord

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 06:00 AM

Elle Villanueva 7 years nagtiis sa toxic na relasyon: Sobrang traumatic!

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

HIRAP na hirap ang Kapuso actress na si Elle Villanueva na kumawala sa toxic relationship na naranasan niya sa dating boyfriend.

Pero, salamat daw sa Diyos at sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya dahil nalampasan din niya ang madilim na bahaging yun ng kanyang buhay

Grabe raw talaga ang naging experience ni Elle sa piling ng former partner, as in napaka-intense at very traumatic ang kanyang past relationship.

Baka Bet Mo: Elle knows ang kabaklaan isyu tungkol kay Derrick, nagpa-background check

“Parang seven years bago ako nakaalis kasi pabalik-balik, e. Tapos, parang yung friends, sasabihin na, ‘O, ‘yun na naman, tapos sasabihin mo, ayaw mo na,’” ang pahayag ni Elle sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio)


“What can I do? Ang hirap kasi sa cycle and you have to break it, you really have to break it kasi ‘ yung can’t grow e, kung ganu’n lang, kung cycle lang ‘yan e,” katwiran ng Kapuso star.

Hanggang sa dumating nga ang araw na finally ay nagawa niyang labanan ang kanyang nararamdaman at tuluyan nang nakaalis sa kanyang traumatic relationship.

Para kay Elle, hulog naman ng langit ang pagdating ng boyfriend niyang si Derrick Monasterio sa kanyang buhay.

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio mabenta sa mga beki; Elle Vilanueva nagpapaseksi pero wholesome pa rin

“Gulat din ako kay Derrick, e, kasi ever since nangyari ‘yung past relationship ko na toxic na ‘yun, ang lagi kong hinihiling kay God na ‘yung next relationship ko, ‘Please, sana siya na, ayoko nang masaktan ng ganu’n ka-intense,’” sey ni Elle.

Talaga raw tinanong niya si Lord kung si Derrick na ang lalaking para sa kanya at kung seryoso ba ito sa kanilang relasyon.

“Tapos, over the past few years, parang napatunayan niya ‘yung sarili niya na hindi pala siya ‘yung inakala ko klaseng lalaki. So parang sabi ni Lord sa akin, ‘Oo, ‘wag ka mag-judge agad ng tao.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elle Villanueva (@_ellevillanueva)


“Yun ‘yung akala ng mga tao kasi palagi kaming magkasama pero ‘yun nga, isang malaking factor na natatakot akong mag-dive ulit sa relationship because I came from a toxic relationship na parang ‘O, eto na naman, masasaktan na naman ako,’ alam mo ‘yun?

“Nape-preempt mo na ‘yung mangyayari. May anxiety ka na sa relationship,” pag-amin ng dalaga.

“Grabe siguro mag-protect lang ako sa sarili ko. May mga taong masyado nang nasaktan so parang ayaw na nila masyado mag-dive sa mundong ito,” sey ng aktres.

Nabanggit din ni Elle na napakalaki ng nagawa ni Derrick para mas maging stable at matatag ang estado ng kanyang mental health.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagbibigayan talaga kami. We would really really support each other, hindi kami nagpapataasan. Kaya nakakatuwa kasi right timing din si Derrick sa akin, sa life ko and talagang buti na lang nasa Makiling siya at kasama o siya sa trabaho,” lahad pa ni Elle Villanueva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending