Dennis Padilla hiling na mayakap muli ang mga anak: Sana…
MAY isang hiling lang ang actor-comedian na si Dennis Padilla sa kanyang mga anak na matagal na niyang nami-miss.
Sa kanyang recent Instagram post ay ibinandera niya ang kanyang mensahe sa mga anak na matagal nang hindi nakakapiling.
“Kahit wala akong sabihin… Kahit wala akong marinig… Basta mayakap ko lang sila…Sana,” saad ni Dennis.
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa kanyang post.
“nakaka lungkot naman neto [crying emoji] sana maayos na lahat ng gusot, sama ng loob sa pamilya nyo Dennis,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Please do not get me wrong, I personally do not think that social media is the right avenue. The world is cruel that most people would think that your children are stone hearted. Time will heal all the wounds, keep on praying.”
Baka Bet Mo: Dennis Padilla sa unexpected birthday greeting ni Julia: Naluha ako, tagos sa puso
View this post on Instagram
“Dapat personal sia humihingi ng tawad hindi po sa social media mas lalong magagalit anak niya niyan kasi naging masama na sila sa paningin ng mga tao eh hindi natin alam ang pinagdaanan nila noon,” sey naman ng isa sa post ni Dennis.
Kamakailan lang ay masayang ibinahagi ng komedyante na matapos ang matagal na walang komunikasyon ay nagpadala raw ng message sa kanya ang anak na si Julia Barretto noong birthday niya.
“Naluha ako du’n (tumigil sandali at pinipigil ang maiyak). That was sweet. Para bang tagos sa puso yung… mararamdaman. That’s why I’m so happy. I hope makapag-dinner or lunch kami soon,” pagbabahagi ni Dennis.
Dagdag pa niya, “Hindi lang si Julia, gusto ko rin siyempre makita si Claudia, saka si Leon kasi almost two years ko na silang hindi nakikita. More, I think more.”
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang mga anak ni Dennis kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.