Dennis Padilla ‘nangungulila’ kay Julia Barretto

Dennis Padilla ‘nangungulila’ kay Julia, wish makita, makausap ang anak

Pauline del Rosario |February 04,2024
facebook
share this

Dennis Padilla ‘nangungulila’ kay Julia, wish makita, makausap ang anak

Pauline del Rosario - February 04, 2024 - 09:35 AM

Dennis Padilla ‘nangungulila’ kay Julia, wish makita, makausap ang anak

PHOTO: Instagram/@dennisastig

MULING nagpaabot ng pagnanais na makasama ng comedian-actor na si Dennis Padilla ang kanyang anak na si Julia Barretto.

Ito ay sa gitna ng pagpo-promote ni Julia para sa upcoming film na “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” katambal ang batikang aktor na si Aga Muhlach.

Sa Instagram, ibinandera ni Dennis ang litrato ng kanyang anak at sabay na hiniling na sana ay makita at makausap na niya ito.

“Dear Juy, hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita. Hindi ko din matandaan kailan tayo huling nag-usap. Sana, anak,” pakiusap niya.

Hindi nagtagal ay ni-revise niya ang caption ng kanyang post at tinanggal ‘yung parte na sinabi niyang matagal na silang hindi nagkausap.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: ‘Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya’

“Dearest Juy, hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita. Always praying for more blessings,” wika niya sa IG post.

Ani pa niya sa updated caption, “Good luck sa new movie mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

As of this writing, wala pang reply o dedma pa rin ang kanyang mensahe para sa anak.

Ang aktres ay anak ni Dennis kay Marjorie Barretto.

Anak din nila ang dalawa pang kapatid ni Julia na sina Claudia at Leon.

Kamakailan lang, naging topic sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na “Showbiz Update” ang hindi pagpansin ng mga anak sa kaibigan niyang komedyante. 

Inamin ng talent manager na awang-awa na siya sa pinagdadaanan ni Dennis at hindi na napigilang isipin na baka itinakwil na ng mga anak ang kanilang ama.

Sey ni Ogie sa nakaraang vlog, “Na-aano lang ako, parang – hindi ko alam kung ano ba ito. Itinakwil na ba nila si Dennis bilang tatay?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Chika pa niya, “Basta isang araw siguro magigising ang mga bata na, ‘kailangan na natin talagang kausapin si Daddy o si Papa. After all, lumalaki na tayo e’.” 

“‘Yun din ang pangarap ko for Dennis. ‘Yan nalang kumbaga ang karga ni Dennis eh na sana mabati na siya ng kanyang mga anak,” dagdag niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending