Dennis sa birthday greeting ni Julia: Naluha ako, tagos sa puso

Dennis sa unexpected birthday greeting ni Julia: Naluha ako, tagos sa puso

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

Dennis sa unexpected birthday greeting ni Julia: Naluha ako, tagos sa puso

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 12:10 AM

Dennis sa unexpected birthday greeting ni Julia: Naluha ako, tagos sa puso

Julia Barretto, Dennis Padilla, Mutya Orquia, Beaver Magtalas at Maxine Trinidad

HALATANG pinipigilan ni Dennis Padilla ang pagtulo ng luha habang nagkukuwento tungkol sa birthday greeting sa kanya ni Julia Barretto.

Nakausap ng BANDERA ang aktor kagabi bago magsimula ang presscon ng bago niyang pelikula, ang “When Magic Hurts” na pinagbibidahan nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas.

Natanong nga namin si Dennis hinggil sa napabalitang pagbati sa kanya ng anak nitong nagdaang 62nd birthday niya (February 9).

Marami ang natuwa sa ibinalita ng beteranong komedyante sa nangyari at nagsabing patuloy nilang ipagdarasal ang kanilang pamilya at sana’y magtuluy-tuloy na ang pagkakasundo nila ng kanyang mga anak.

Baka Bet Mo: Ogie naaawa na kay Dennis dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya?’

“Naluha ako du’n (tumigil sandali at pinipigil ang maiyak). That was sweet. Para bang tagos sa puso yung… mararamdaman. That’s why I’m so happy. I hope makapag-dinner or lunch kami soon.

“Hindi lang si Julia, gusto ko rin siyempre makita si Claudia, saka si Leon kasi almost two years ko na silang hindi nakikita. More, I think more,” ang emosyonal pang sabi ni Dennis na ang tinutukoy ay ang iba pa niyang anak kay Marjorie Barretto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nabanggit kay Dennis ang nalalapit na birthday ni Julia, sagot niya, “Oo, sa March 10, 27 na siya.”

Sa March 7 naman ang kaarawan ng boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson. At ang reaksyon ni Dennis, “Si Gerald, kailan ko ba huling nakita si Gerald? Parang mga 10 years ago ko pa huling nakita si Gerald. Baka hindi lang.”

Wish din ng veteran comedian na makasama si Julia sa mga next projects niya.

Baka Bet Mo: Father’s Day hugot ni Dennis kay Julia, 2 pang anak: You forgot to greet me last Sunday…hehehe! Love you!

Sa pagkakatanda niya huli silang nagkasamang mag-ama noon pang 2008 sa Kapamilya series na “Palos” at 9 years old pa lang that time ang anak.

“Hopefully, itong mga darating na panahon, baka magkasama kami sa pelikula dahil the last time na magkasama kami was ABS pa, Palos, the one with Cesar Montano.

“Ako yung sidekick, saka si Redford White. Bata pa si Julia noon,” ani Dennis.

Hindi rin nakalimutan ni Dennis na batiin si Julia sa pelikula nitong “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” kasama si Aga Muhlach. Napakaganda raw ng pelikula at sana raw ay mas marami pa ang makapanood nito.

Samantala, excited na si Dennis na mapanood ng mga Pinoy ang “When Magic Hurts” dahil ibang-iba ang karakter na gagampanan niya sa kuwento bilang si Anton Yap, isang masayahing beki na punumpuno ng good vibes.

Bukod sa lead stars na sina Beaver at Mutya, makakasama rin sa pelikula sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Angelica Jones, Julian Roxas, Aileen Papin, Cassie Kim, Maxine Trinidad at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos, produced by RemsFilms Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending