Bong nakisaya sa Panagbenga; pinuri si PBBM sa Revilla Law

Bong nakisaya sa Panagbenga; nagpasalamat kay PBBM para sa Revilla Law

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 11:03 AM

Bong nakisaya sa Panagbenga; nagpasalamat kay BBM para sa Revilla Law

Bong Revilla Jr., Pangulong Bongbong Marcos at ang cast members ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’

NAKISAYA ang cast members ng Kapuso action-comedy series na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” sa Panagbenga Festival nitong weekend sa pangunguna ni Sen. Bong Revilla.

Talagang nag-enjoy ang actor-public servant sa naturang event kasama ang kanyang mga co-stars na sina Beauty Gonzalez, Ejay Falcon, Lianne Valentin, Niño Muhlach at Maey Bautista.

Doon, nagpasalamat ang tropa ng senador sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang programa na consistent sa paghataw sa ratings game.

Last Sunday, nakakuha ng 10.7% rating ang “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” kaya naman super happy and feeling thankful ang buong production.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sen. Bong ng ilang litrato na kuha sa pakikisaya nila sa Panagbenga Festival sa Baguio City.

Baka Bet Mo: Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

Aniya sa caption, “Sa pagbabalik ng inaabangang Grand Float Parade ngayong taon, masaya tayong nakikiisa sa selebrasyon ng ipinagmamalaki nating Flower Festival sa Baguio City!

“Naniniwala tayong ang makulay na pagyabong at panahon ng pamumulaklak na ating ipinagdiriwang ngayon ay sumisimbolo hindi lang sa mayaman nating kultura. Ito rin ay yugto ng kasiyahan at pag-asa para sa mga Pilipinong nagkakaisa.

“Isang makahulugang pagdiriwang ng Panagbenga!” mensahe pa ng veteran actor.

Samantala, pinuri at pinasalamatan naman ni Bong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., matapos nitong lagdaan ang panukalang batas ng senador na mas kilala sa tawag na Revilla Law.

Ngayong araw, February 26, naganap ang isang seremonya sa Malakanyang para sa announcement ng implementation ng naturang batas.

Ang “Revilla Law” ay magbibigay ng benepisyo sa mga Pinoy octogenarian at nonagenarian, bukod sa centenarian na kasalukuyan nang nakakatanggap ng cash gift. Si Sen. Bong ang principal author ng batas na ito, kung saan ang pinagmulan nitong panukala ay kanyang una at prayoridad na inihain sa kasalukuyang kongreso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


“Taos-puso ko pong pinapupurihan at pinasasalamatan ang ating Pangulong Bongbong Marcos sa pagsasabatas ng ating pangunahing panukala upang amyendahan ang Centenarians Law. Ang matagal na nating ipinaglalaban para sa ating mga lolo at lola ay tuluyan na nating napagtagumpayan!” saad ng aktor at public servant.

Baka Bet Mo: Pelikula nina Bong, Coco, Robin at Lito pinaghahandaan na para sa MMFF 2024

“This was my promise to the Filipino elders and I’m proud to say that I fulfilled it. Sa wakas ay makakasama na rin sa mga mabibigyan ng benepisyo yung iba pa sa kanila, hindi lamang yung mga aabot ng isang daan taong gulang,” dagdag nito.

Sa ilalim ng Revilla Law, ang mga matatandang Pilipino na sa aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95 ay makakatanggap na rin ng halagang P10,000 habang ang mga aabot naman sa edad na 100 ay patuloy na makakatanggap ng P100,000.

Ipinaliwanag niyang ang hangarin ng bagong batas na ito ay mapaaga ang pagbibigay ng benepisyo sa mga lolo at lola, “Layon po ng batas na ito na mapaaga ang pagbibigay natin ng benepisyo para sa ating mga lolo at lola.

“Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan, 80 pa lang, bibigyan na natin sila agad.

“Pagdating ng 85, 90, at 95, bibigyan ulit natin sila. At kung ipagkaloob ng Panginoon na sila ay umabot ng isang daang taon, bibigyan natin sila ng mas malaking halaga bilang pagkilala sa kanilang narating,” aniya pa.

“Sabi nga, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Kaya hangga’t sila ay nabubuhay pa, iparamdam na natin sa kanila ang pagpapahalaga at pagmamahal ng gobyernong ito,” dagdag ng senador.

Para maging mas epektibo ang pagpapatupad ng naturang batas, itinakda rin ang pagkakaroon ng Elderly Data Management System na pamamahalaan ng National Commission on Senior Citizens upang matiyak na ang mga kuwalipikadong mga benepisyaryo ay makakuha talaga ang cash gift na nararapat lang nilang matanggap.

“Hindi dito matatapos ang pagpupursigi natin para mas mabigyan pa ng pagpapahalaga, pagkilala, at pagmamahal ang ating mga lolo at lola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami pa tayong panukala na isusulong para maipasa. Simula pa lang ito ng bagong laban – laban para sa tuloy-tuloy na pag-angat ng kanilang kapakanan,” sabi pa ng aktor at senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending