Nikko naging tagalinis ng jeep, salon assistant, wedding coordinator

Nikko naging tagalinis ng jeep, salon assistant, wedding coordinator

Ervin Santiago |February 26,2024
facebook
share this

Nikko naging tagalinis ng jeep, salon assistant, wedding coordinator

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 08:08 AM

Nikko naging tagalinis ng jeep, salon assistant, wedding coordinator

Nikko Natividad

CERTIFIED “raketero” rin ang Kapamilya actor at dancer na si Nikko Natividad bago pa siya mapasabak sa mundo ng showbiz.

Napakarami rin niyang pinasok na trabaho noon para kumita ng sarili niyang pera at hindi na maging pabigat sa kanyang pamilya.

Inalala ni Nikko ang paglilinis niya noon ng mga jeep at iba pang uri ng trabaho dahil nga medyo nagkaproblema sila sa pinansiyal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nu’ng second year high school na-stop ako mag-aral. Naglilinis ako ng jeep sa Bagong Silang. So raket-raket,” ang pahayag ng aktor sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa kanyang YouTube channel.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad: ‘Hindi ako naiinggit kina Ronnie at McCoy…mababaw lang ang kaligayahan ko’

“Nagkaproblema kami, financial crisis so parang natutunan ko kung di mo kayang makatulong sa parents mo, huwag ka na lang maging pabigat.

“So kumbaga may sarili akong kinikita, may sarili na akong pera, hindi na ako hihingi sa kanila,” chika ng Hashtag member.

Pero ayon kay Nikko, maayos at maganda naman ang buhay nila noon dahil ilang taong nagtrabaho sa Japan ang tatay niya. Wala raw siyang idea kung bakit nagkaroon sila ng financial problem.

“‘Yung daddy ko OFW sa Japan pero ano eh, ups and down kami, eh. Na-experience ko okay kami, lahat ng Playstation meron kami niyan, private school kami nag-aaral.

“May din bahay kami tapos biglang down na hindi ko nalaman ‘yung totoong problema kasi bata pa kami. Hindi sa amin sinasabi kung bakit kami ngayon salat.

“Pero okay naman, di naman kami nagdamdam nun, tuluy-tuloy lang. Kapag meron, meron. Kapag wala, wala,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@itswilbertross)


Naging working student din daw siya pagtungtong niya ng kolehiyo, “Tapos nu’ng college, working student ako, naging wedding coordinator po ako kapag Saturday, Sunday kasi wala pong school nu’n, eh.”

Baka Bet Mo: Nikko Natividad aminadong mas ‘bastos’ kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula

Bago siya pumasok sa showbiz, naging waiter din siya at rumaket din bilang salon assistant.

Naibahagi rin ng aktor na lumaki siyang hindi kasama ang mga magulang, “Nanay ko may sarili na ring pamilya. Two years old pa lang ako hiwalay (na mga magulang ko). Lumaki ako sa tita and lola.

“Siyempre birthday, Pasko, graduation, family day, siyempe uma-attend tita mo, lola mo. Kaya ngayong may anak na ako, ayaw kong mag-work sa ibang bansa kasi si daddy ko two years old ako, 14 years straight ‘yun siya sa Japan,” pagbabalik-tanaw pa ni Nikko.

Samantala, ngayong isa na rin siyang tatay, nais niyang maging tropa-tropa lang ang relasyon nilang mag-ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang gusto ko best friend din ako ng anak ko. ‘Yung di siya takot sa akin parang kung gusto niya mag-hang out kami kahit ‘pag laki niya di siya maiilang sa akin,” ani Nikko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending