Bakit muntik 'sapakin' ni Chito si Mickey habang nasa Disney?

Bakit muntik nang ‘sapakin’ ni Chito si Mickey habang nasa Disney?

Ervin Santiago |February 26,2024
facebook
share this

Bakit muntik nang ‘sapakin’ ni Chito si Mickey habang nasa Disney?

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 08:45 AM

Bakit muntik nang 'sapakin' ni Chito si Mickey habang nasa Disney?

Neri Miranda, Chito Miranda, Cash at Mickey

LAUGH trip ang rebelasyon ng OPM icon na si Chito Miranda tungkol sa hugot niya sa Walt Disney American cartoon character na si Mickey Mouse.

Aliw na aliw ang mga netizens sa ipinost niyang “open letter” hinggil sa ginawa raw noon ni Mickey sa anak nila ni Neri Miranda na si Miggy.

Nag-post ang Parokya ni Edgar frontman sa kanyang Instagram account ng short video ng bunsong anak niyang si Cash na kuha sa Disneyland habang nakikipaglaro kay Mickey.

Kalakip nito ang kanyang kuwento about Miggy noong nagtungo naman sila sa Hong Kong Disneyland ilang taon na ngayon ang nakararaan. Ayon kay Chito, inisnab saw ng sikat na cartoon character ang kanyang anak.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin nabahala sa pagpunta ni Kris Aquino sa Disneyland: Puntahan ng mga turista tapos lumalakad siya wala siyang face mask

Nakasaad sa kanyang caption, “More of Cash’s encounter with Mickey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Nung 2yrs old si Miggy, nagkaroon ako ng problema kay Mickey sa HK Disneyland.

“Na-snub ni Mickey si Miggy sa breakfast buffet ng Disney hotel at mangiyak-ngiyak si Miggy nu’n,” ang pagbabahagi pa ng premyadong singer-songwriter.

Hirit pa ng OPM icon, “Muntik ko nang sugurin at sapakin si Mickey…buti naawat ako ni Donald (Duck). Sabi nya ‘Idol, Pilipino ako…arbor ko na si Mickey. Ganyan lang talaga yan. Hayaan mo na lang.’

“Eh idol ko din si Donald kaya pinalampas ko na,” chika pa ng mister ni Neri.

At dahil nga sa oras at effort na ibinigay ni Mickey sa bunsong anak na si Cash, like na niya uli si Mickey.

Baka Bet Mo: Kris Aquino tinupad ang promise kay Kuya Josh, rumampa sa Disneyland

“Ngayon, bawing bawi na si Mickey sa akin. He took time to interact with Cash. Siguro nagbago na sya or nag-mature…ewan ko.

“Basta I love him na ulit,” sey pa ni Chito.

Nauna rito, nag-post din sa IG ang singer ng mga litrato ni Cash with Mickey. May caption itong, “Sobrang laki ng mga daga dito sa America City…palibhasa panay imported ang mga kinakain nila tapos ang lalaki pa ng serving.

“Sobrang saya ko as a parent na napapa-experience ko sa mga kids ko yung mga ganitong bagay…yung makahuli ng malaking daga.

“Nung maliit pa ako, madalas sabihin sa akin ng Mom ko na dream nya talaga na madala kaming magkakapatid sa Disneyland.

“Kaya nung nagka-anak kami ni Neri, ang isa sa mga una kong ginawa was dalin si Miggy sa Disneyland kasama ng Mom and Dad ko.

“Kaya sobrang saya ko na nagawa ko yun para sa mga anak ko and sobrang nauunawaan ko kung bakit isa yun sa mga pinangarap ng Mom ko para sa aming magkakapatid,” sey pa ng frontman ng PNE.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa nakakaaliw na IG post ni Chito.

“Awww parang tropa nya lang c Mickey excited sya makipaglwentuhan.”

“Awwww sooo cute!!!”

“Nag kakaintindihan silang dalawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hangkyuuutt. ang laki na ni Cash..ampogii!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending