Hugot ni Vice Ganda: Ang lipunan ay napakalupit sa mahihirap

Vice: Ang lipunan ay napakalupit sa mahihirap at hindi nakapag-aral

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 06:05 AM

Vice: Ang lipunan ay napakalupit sa mahihirap at sa hindi nakapag-aral

Vice Ganda

PINANGARALAN ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang isang searchee sa “EXpecially for You” segment ng “It’s Showtime.”

Hindi napigilan ng TV host-comedian na bigyan ng advice ang searchee na si Lance matapos aminin ng kanyang ex-girlfriend ang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa isang bahagi ng “EXpecially for You”, naibahagi ng dating dyowa ni Lance na si Jaylie na malaking factor sa kanilang breakup ang pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

Inisa-isa pa ni Jaylie ang naging problema at issue sa relasyon nila noon ni Lance. Dito, um-agree si Vice Ganda sa mga punto ng girl, lalo na sa usapin ng edukasyon.

Baka Bet Mo: Chito, Kaye nagpa-good vibes sa socmed: Pwede sila sa EXpecially For You

“Kailangan mong magkaroon ng motivation, kailangan mong magkaroon ng takot. ‘Di ba tayong mga tao, kumikilos lang tayo kapag natatakot na tayo.

“Kunwari nag-aaral ka, mag-aaral na ako kasi babagsak na ako eh. ‘Di ba parang ‘magiging mabuti na akong partner kasi hihiwalayan na ako ng jowa ko eh.’ ‘Magpapagamot na ako kasi may nararamdaman na ako eh,'” paliwanag ng Kapamilya star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nabanggit din ni Vice na totoong napakahirap maging mahirap kaya kailangan talagang magsikap at magsipag para makaahon sa buhay.

“Hindi madali ang buhay at ang lipunan ay napakalupit sa mahihirap, sa mga hindi nakapag-aral, sa walang magandang trabaho, sa walang maipagmamalaki.

“Kaag tumanda ka 10 years from now, 30, wala kang trabaho, wala kang pera hindi ka nakatapos mag-aral, mahirap ka pa rin maraming kakawawa sa ‘yo at matakot ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya ngayon pa lang hangga’t maaga, tayo ka na for yourself,” paalala pa ng TV host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending