Dominic Roque hindi binigyan ng gas station, ayon mismo sa oil firm

Dominic Roque hindi binigyan ng gas station, ayon mismo sa oil firm

PHOTO: Instagram/@dominicroque

NAGSALITA na rin mismo ang management ng gas company na nasangkot sa mga isyung ibinabato laban sa aktor na si Dominic Roque.

Ito ‘yung chismis na binigyan umano ng sariling gasoline station si Dominic na siyang brand ambassador ng oil firm.

Ayon sa kumpanya, hindi totoo ang mga balitang ito at kaya sila naglabas ng pahayag ay para linawin ang mga “fake news” na kumakalat.

“Cleanfuel strongly condemns the false accusations that involve its brand ambassador, Dominic Roque,” sey ng gas company na ibinandera sa official Instagram page noong February 20.

Patuloy pa, “To answer the misleading reports and false information circulating over social media, we are categorically denying the allegation that Mr. Roque was given a Cleanfuel gasoline station.”

Baka Bet Mo: ‘Dominic Roque napakaselan mo, napakasensitibo mo! – Cristy Fermin

Binigyang-diin din ng brand na ito ay isang company-owned entity, kaya’t hindi ito nagbibigay o nagpapalawig ng prangkisa sa sinuman gaya ng sinasabi ng iba.

“In his capacity as brand ambassador, Mr. Roque has worked and represented the brand professionally for the past six years. His contribution has been vital to reflect the company’s image and brand success,” dagdag pa ng oil firm.

Bagamat hindi na tinukoy sa post kung saan nanggaling ang mga maling balita, magugunitang naging usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng “benefactors” umano ni Dominic kaya nagkaroon siya ng gas station.

Lalo pa nga ‘yan naging maingay dahil paulit-ulit itong naging topic ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang mga vlog.

Kasunod niyan ay naglabasan na ang mga pangalan nina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at dating Quezon City Rep. Bong Suntay, na isa sa mga may-ari ng Cleanfuel company, na mga politicians na tinutukoy umano ng kolumnista.

Nauna nang naglabas ng pahayag si Dom upang sagutin ang mga “malicious and defamatory” na pahayag ni Nanay Cristy.

Iginiit naman ng showbiz columnist na hindi sa kanya nanggaling ang mga chismis na kinasasangkutan ng mga pulitiko. 

Wala rin daw siyang planong humingi ng tawad sa sinuman dahil wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang mga vlog.

Ibinunyag naman ni Suntay na pinag-iisipan nila ni Jalosjos na sampahan ng kaso ang ilang indibidwal na nagtutukoy sa kanila bilang mga “benefactor” ng aktor.

Read more...