Francine, Kyle biktima ng mga fake news: Wag basta-basta maniniwala sa mga nakikita at nababasa n'yo | Bandera

Francine, Kyle biktima ng mga fake news: Wag basta-basta maniniwala sa mga nakikita at nababasa n’yo

Ervin Santiago |July 01,2021
facebook
share this

Francine, Kyle biktima ng mga fake news: Wag basta-basta maniniwala sa mga nakikita at nababasa n’yo

Ervin Santiago - July 01, 2021 - 11:39 AM

MATAPANG na sinagot ng Kapamilya loveteam na sina Francine Diaz at Kyle Echarri ang ilang maiinit na intriga at tsismis na ibinabato sa kanila ng mga netizens.

Hindi inurungan ng KyCine ang limang isyu tungkol sa kanila na hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay at patuloy na pinag-uusapan sa social media.

Sa isang YouTube vlog, nagbiga ng kanilang reaksyon ang dalawang Kapamilya youngstars sa mga hate comments na ibinabato sa kanila kabilang na nga ang tsismis ng pagbubuntis daw ni Francine.

Nabasa raw ng dalaga sa isang YouTube content na kaya raw hindi na siya masyadong active sa social media ay dahil nagdadalang-tao raw siya.

Kahit daw si Kyle ay may nabasang tsismis na nakabuntis daw siya na mariin din niyang dinenay. Aniya, “Mahilig yung mga Pilipino sa ganoong rumors. Sana alamin mo muna yung mga sinasabi mo bago mo sabihin.” 

Sumang-ayon naman dito si Francine at sinabing, “Wag mong basta-basta paniwalaan agad yung mga nakikita o nababasa mo.” 

Isa pang sinagot ni Francine ay ang mga comments ng haters na kaya raw lagi siyang naka-side view sa kanyang mga litrato sa socmed ay para itago ang katabaan niya.

Hirit na reply ng dalaga, “Yun ang naging motivation ko para mag-workout ako.” 

Sa lahat naman ng mga patuloy na tumatawag ng “chickboy” kay Kyle na tumutukoy sa pagiging babaero niya, wala na raw siyang magagawa rito. Iniisip na lang niya na isa itong papuri.

“I see it as a compliment. Chickboys can’t be ugly, men. Sa sobrang gwapo ko, I can get so many girls,” birong pahayag ng young singer-actor. 

Nauna nang itinanggi ito ni Kyle sa isang panayam, aniya, “Hindi po ako chickboy. I think that is one thing that I really need to address. ‘Yun po talaga. Hindi po ako chickboy. 

“I know a lot of people have made assumptions on me. A lot of people don’t like me because of a certain thing. Pero I don’t like spreading negativity,” sey pa niya.

Samantala, dinededma na lang daw ni Francine ang mga paninira at pangnenega sa kanya ng mga bashers kabilang na ang mga nagsasabing suplada at maarte siya at ang bansag na “one hit wonder”dahil daw after ng “Kadenang Ginto” ay wala na siyang ginawang ibang project na nag-hit.

Isa lang daw ang gustong sabihin ng dalaga sa mga basher nila ni Kyle, “Sure ka ba diyan?”

Sabi naman ni Kyle sa nakaraang interview sa kanya, “Good luck na lang po sa lahat ng namba-bash sa akin, good luck sa future n’yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I know that that’s all just coming from whatever you guys want to do, pero ako, I know who I am as a person and masaya po ako roon,” hirit ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending