Sey ni Mariel matapos ma-isyu: ‘In my heart wala akong tinapakang tao’

Sey ni Mariel matapos ma-isyu: 'In my heart wala akong tinapakang tao'

PHOTO: Instagram/@marieltpadilla

NABASA lahat ni Mariel Rodriguez-Padilla ang bashing sa kanya ng netizens dahil nag-post siya na nagpapa-gluta drip sa opisina ng asawang si Senator Robin Padilla sa senado kamakailan.

Kaya hiningan namin ng reaksyon ang wifey ni Sen. Robin tungkol dito.

“Oo nga dami ko bashers,” kaswal na sagot ni Mariel nang i-chat namin kagabi, February 23.

May live selling kagabi si Mariel, “In honor of bashing nagpa-drip ako ulit today ahhaha. While nag live selling ahahahhaa.”

Ganyan naman si Mariel idadaan na lang niya sa biro ang lahat para matapos na ang isyu tungkol dito.

Baka Bet Mo: Robin Padilla sa viral gluta drip session ni Mariel: ‘Nakakatawa naman po’

Ang wifey ni Senator Robin ang pinakamadaling kausap pagdating sa mga isyu, either patulan niya o dedmahin niya para hindi na humaba pa.

Kinulit pa rin namin si Mariel baka gusto lang niyang ipaliwanag kung bakit nga ba doon siya nagpa-IV drip.

“In my heart Reg wala akong tinapakan na kahit sinong tao. Kung may na-offend sorry, pero walang intention na maka-offend. After the Eddie Garcia bill, hinintay ko si Robin. Mga 9 p.m. na ‘yun,” katwiran sa amin ng misis ni Senador Robin.

May appointment daw kasi siya that night at hindi siya aabot dahil nga nasa opisina pa siya ng asawa, kaya naisip doon na lang papuntahin since after office hours na, gayun pa man humihingi siya talaga ng dispensa sa lahat.

Pinasalamatan din ni Mariel ang asawang si Robin dahil ipinagtanggol siya nito.

Aniya, “You are the best @robinhoodpadilla I love you, I’m so blessed.”

Read more...