Rhian tinanghal na ‘Best Actress’ after 18 years: ‘This inspires me more!’

Rhian tinanghal na ‘Best Actress’ after 18 years: 'This inspires me more!'

PHOTO: Instagram/@whianwhamos

MAY bagong achievement ang aktres na si Rhian Ramos at ito ay proud na proud niyang ibinandera sa social media.

Kinilala siyang “Best Actress” sa 2024 Platinum Stallion National Media Award na ginanap sa Trinity University of Asia.

Ang parangal ay dahil sa mahusay niyang pagganap bilang “Margaret” sa hit murder mystery series ng GMA na “Royal Blood.”

Marami ang pumuri sa kanyang performance na may kundisyon na “alopecia” o hair loss.

Ayon sa National Alopecia Areata Foundation, ang alopecia ay isang “surprisingly common disease” na nagreresulta sa pagkawala ng buhok sa mukha, katawan at anit.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos, Sam Verzosa totoong naghiwalay pero nagkabalikan din: ‘Mas naging strong pa yung relationship namin’

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Rhian ang ilang moments sa awarding ceremony.

“It means the world to me to have shared this moment with the @mbumanagement team and my #RoyalBlood family, who I owe this award to [white heart emoji] Thank you for guiding me towards this! I am so grateful to all of you (loving emoji),” caption niya sa post.

Inamin din niya na kinilig siya sa nakuha niyang award dahil sa loob ng halos dalawang dekada bilang isang Kapuso ay ngayon lang siya nakatanggap ng nasabing award.

Kasabay niyan ay proud niyang inanunsyo na nanalo naman ng “Best Drama” ang pinagbibidahang serye.

“After 18 years as a Kapuso, I am so thrilled to receive Best Actress for a @gmanetwork project, and proud to announce that #RoyalBlood also won Best Drama,” lahad niya.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Rhian na dahil sa natanggap na pagkilala ay lalo pa niya gagalingan sa trabaho.

“This just inspires me more to do well in my craft and encourages myself to do my best in whatever I will do in the future,” sey niya.

Dagdag pa niya, “I’m also thankful to GMA Network for the trust and for allowing me to give life to such an empowering and inspiring character.”

Nakuha rin ni Rhian ang “Best Actress” award sa TAG Award 2023 na ginanap sa Chicago, USA, at sa 12th Kakammpi OFW Gawad Parangal dahil sa nabanggit na role.

Read more...