Mariel walang nakikitang mali sa viral IV drip session, nag-sorry
IPINAGTANGGOL ni Mariel Padilla ang kanyang sarili matapos mag-viral ang kanyang Instagram post kung saan makikitang isinasagawa niya ang kanyang IV drip sa Senado.
Nitong Miyerkukes, February 21, nag-post ang asawa ni Sen. Robin Padilla ng larawan kung saan makikitang nasa loob siya ng opisina ng senador habang abala sa pagpapa-IV drip.
Agad nga itong nag-trending sa social media dahil hindi nagustuhan ng madlang netizens ang ginawa ni Mariel sa loob ng Senado.
Tila hindi raw nito nirespeto ang Senado at ginawa ang mga bagay na pwede namang gawin sa ibang lugar gaya ng clinic o sa mismong pamamahay nila.
At nito ngang Biyernes ng gabi, February 23, ipinahayag ni Mariel ang saloobin hinggil sa isyung kinasasangkutan sa kanyang social media accounts.
“Gusto ko munang magkuwento sa inyo what really happened. So, ako po, I don’t naman always go to the Senate, minsan lang po ako nagpupunta doon.
Baka Bet Mo: Mariel Padilla binatikos matapos magpa-IV drip sa Senado
HAPPY ANNIVERSARY, MARIEL AND ROBIN! ❤️
IPINAGDIWANG ngayon ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang kanilang ika-13th anniversary. | 📸: Instagram/Rodriguez-Padilla
Read related chikas: https://t.co/rE96QVX3KN pic.twitter.com/0meKLn7oLl
— Bandera (@banderaphl) August 19, 2023
“It just so happened na I was there for the… I was there kasi I was supporting the Eddie Garcia Bill,” saad ni Mariel.
Aniya, present raw siya aa Senado noong second at third reading ng bill na ipinasa ng kanyang asawa.
“So, super happy because it was a unanimous decision sa mga senators at sabi ni Senator Imee, matagal na raw na panahon na walang unanimous decision, na lahat sila nag-vote ng yes. So, it was such a win,” sabi pa ni Mariel.
Late na nga raw natapos ang session at umabot na ito sa oras ng kanyang beauty session na gawain niya every week.
“Ngayon, 8 o’clock, every week po talaga, I do my [IV drip service] vitamin drip,” sey ni Mariel.
Chika pa niya, hindi raw niya naiintindihan kung bakit siya na-bash gayong nagti-take lang siya ng kanyang vitamins.
“Bakit ko yan ginagawa? It is for health reasons. Kailangan po naglalagay tayo ng bitamina sa ating katawan. At yung bitamina na yan, I don’t get sick, alam mo yun ang lakas-lakas ng resistensiya ko, ang galing-galing,” lahad ni Mariel.
“So ang nangyari… eto na, eto na. So, I had an appointment with [IV drip service]. Ngayon, hinihintay ko po yung asawa ko. Yung asawa ko na lagpas 8 o’clock, nagtatrabaho pa rin po,” dagdag pa niya.
Kaya naman naisipan niyang sa Senado na pang papuntahin ang naturang IV drip service.
Para kay Mariel, walang masama sa kanyang ginawa.
“To tell you the truth, hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko, masama yung ginawa ko.
“Dahil one, bitamina yung nilalagay ko sa katawan ko, for health reasons yun. Hindi naman po ako nagda-drugs, na naghi-heroin ako dun. Buti kung naghi-heroin ako dun, di ba? Hindi naman po,” sabi pa ni Mariel.
Dagdag pa niya, wala rin naman siyang ginawa sa Senate seal.
“Wala naman po akong ginawa dun sa Senate seal. Hindi ko naman flinash yung bitamina dun sa Senate seal. Wala naman akong ginawang ganun. Umupo lang ako dun at saka nagpabitamina sa katawan. So, hindi ko maintindihan bakit parang may mga nag-react.
“So dahil may mga nag-react, kaya ko po tinake down yung post ko. In respect dun sa mga na-offend o kung anuman, tinanggal ko po. Kaya ko yun tinanggal,” wika pa ni Mariel.
Samantala, humingi naman siya ng tawad sa mga na-offend sa kanyang post.
Pagpapaliwanag ni Mariel, “So, kung sa tingin ninyo mali, o masama, o na-offend kayo dun sa ginawa ko, sorry po.
“Pero ako, naglagay lang ako ng bitamina sa katawan. And it was 9 o’clock ng gabi, nung ginawa ko yun, after office hours po. Pero dahil yung asawa ko ay asawa ko, nakikipag-usap sa COS niya, sa chief-of-staff niya si Atty. Hurado, so hinihintay ko siya na matapos.”
Paglilinaw pa ni Mariel, wala raw silang ginamit o inabala nang gawin ang drip session sa Senado.
Samantala, sa ngayon ay hindi pa rin aprubado ng Food and Drug Administration o FDA ang mga IV drip.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.