Luigi ipinagsigawan ang pagmamahal kay Yassi: The love of my life

Gov. Luigi ipinagsigawan ang pagmamahal kay Yassi: ‘The love of my life’

Ervin Santiago |February 22,2024
facebook
share this

Gov. Luigi ipinagsigawan ang pagmamahal kay Yassi: ‘The love of my life’

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 10:54 AM

 

Gov. Luigi ipinagsigawan ang pagmamahal kay Yassi: 'The love of my life'

Luigi Villafuerte at Yassi Pressman

KAILANGAN pa bang i-memorize yarn!? Kahit hindi na umamin nang diretsahan “alam na this” para kina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! No need nang mag-talk pa sina Yassi at Luigi kung talagang sila na matapos lantarang tawagin ng gobernador ang aktres ng “love of my life.”

Nag-upload sa Instagram ang leading lady ni Ruru Madrid sa Kapuso series na “Black Rider” ng isang short video na kuha mula sa naganap na IronMan sports event sa Camarines Sur.

Baka Bet Mo: Yassi ‘kinilig’ sa pa-screening ni Luigi para sa kanyang pelikula, naka-bonding pa ang Villafuerte family: ‘Na-touch po ako ng sobra’

Sa speech ni Gov. Luigi pinasalamatan niya nang bonggang-bongga si Yassi at ipinagsigawan sa buong universe kung gaano niya kamahal ang dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


“I truly believe kapag inspired, lahat possible. Kaya I want to thank the love of my life for supporting this event. Babe, maraming-maraming salamat. Thank you, I love you so much.

“Thank you. Muwah. I love you babe. Let’s give her a round of applause,” ang pahayag ng public servant.

Sinagot naman ng Kapuso star ang message ni Luigi sa kanya sa pamamagitan ng inilagay niyang caption sa naturang video. Aniya, “Aysuuuus namaaan my heart. You’re the sweetest @vincenzo.luigi (crying in tears emojis).”

Sa hiwalay na IG post, nag-share rin si Yassi ng photo nila ni Luigi together na may caption na, “Came to support the homecoming of @ironmantri in CamSur the first place in Asia to hold IronMan!!

Baka Bet Mo: Yassi Pressman ayaw bigyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Luigi Villafuerte: Not rushing into anything

“It was so inspiring to see so many athletes give their all, siguradong naging inspirasyon din po kayo sa marami! galing! congratulations!

“Congrats bub @vincenzo.luigi & the whole CamSur and IronMan team!!!
@visitcamsur,” mensahe pa ni Yassi.

Mukhang botong-boto naman ang mga netizens sa relasyon nina Yassi at Luigi dahil halos lahat ng nabasa naming comments sa social media ay nagsabing natagpuan na ng magdyowa ang kanilang “forever.”

Pero as usual, meron pa ring mga haters na nagkomentong hindi bagay ang couple dahil sa itsura raw ng gobernador. Buti raw rich si Luigi kaya swerte pa rin si Yassi.

“Haba ng haiiiirrrr ni Yassi ohhhhh!”

“Yaweeee kilig much, pinag sigawan pa ang kanyang love kay yassi. Mabuhay ka Gov Luigi.”

“Kinikilig tlga Ako sa inyo Ate Yass and Gov. Luigi iba Ang Gov nmin Oragon kung ano gaano nya Padangaton Ang Mga Taga Cam. Sur arog man Ang Pagpadangat mo sa saimong kailusyon Ingatan mo c Ate Yass Saka mahalon mo Ning sobra arog sa Pagpadangat mo at sa pagpapagayon sa probinsya Kang Cam Sur Dios Mabalos po See you Soon po.”

“To cringy. I can tell this won’t last.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vincenzo Luigi Villafuerte (@vincenzo.luigi)


“Ito yung isa sa mga patunay na madalas, pera lang ang kulang saatin hindi kagwapuhan, kasi kahit pangi ka matatabunan yan ng yaman mo. Hustle Hard!”

“Yong makapag husga ng kapwa.. Kala naman ikinaguapo at kinaganda nyo. nyo. Malay naman ninyo ugali ang important kay yassi, saka sino nagsabi na pangit si gov? Nakita nyo na ba sa personal? Beauty is in the eye of the beholder sabi nga nila.”

“Yong pera nakakagwapo at nakakaduling sa mga magagandang babae.”

“Ang swerti ng lalaki sobrang ganda ni yassi.”

“Swerte ni boy Ganda ni yass talented sexy.”

“Gwapo kaya. Kanya-kanyang standard ng beauty ang mata ng tao. He is dark and handsome. And his aura is beaming.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang last February 8, 2024, nag-post din si Yassi ng short video sa IG kung saan makikitang nag-kiss sila sa lips.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending