Yassi ‘kinilig’ sa pa-screening ni Luigi para sa kanyang pelikula

Yassi ‘kinilig’ sa pa-screening ni Luigi para sa kanyang pelikula, naka-bonding pa ang Villafuerte family: ‘Na-touch po ako ng sobra’

Pauline del Rosario |September 30,2023
facebook
share this

Yassi ‘kinilig’ sa pa-screening ni Luigi para sa kanyang pelikula, naka-bonding pa ang Villafuerte family: ‘Na-touch po ako ng sobra’

Pauline del Rosario - September 30, 2023 - 02:40 PM

Yassi ‘kinilig’ sa pa-screening ni Luigi para sa kanyang pelikula, naka-bonding pa ang Villafuerte family: ‘Na-touch po ako ng sobra’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@yassipressman

LUBOS ang pasasalamat ng aktres na si Yassi Pressman kay Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte, pati na rin sa buong pamilya nito.

All out support kasi ang ibinigay nila sa aktres para sa bagong pelikula ni Yassi na pinamagatang “Video City.”

Mismong ang gobernador pa nga ang naghanda at nag-organize ng pa-screening ng pelikula sa isang mall sa Camarines Sur kung saan sabay-sabay itong pinanood nina Yassi at Luigi, pati na rin ng Villafuerte family.

“Nakakakilig at nakakatuwang marinig po ang mga tawanan, iyak at kilig na mula po sa inyo,” wika ni Yassi sa isang Instagram post.

Sey pa niya, “Gusto ko lang talaga magpasalamat po sa buong Villafuerte Family, dahil po [sa] kabaitan nila palagi sakin simula pa po ‘nung 2013 ‘nung unang dating ko po sa CamSur, at na-touch po ako ng sobra to see them all there to watch and to support.”

Baka Bet Mo: Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

Mensahe niya kay Rep. Lray Villafuerte at misis nito na si Lara Villafuerte, pati na rin sa kanilang anak na si Rep. Migz Villafuerte at asawang si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters, “Thank you for spending your Sunday family night with me.”

“You guys did not have to be there but you chose to be there and that really means so much to me,” saad pa niya.

Hindi rin mawawala ang mensahe ni Yassi para kay Luigi na inilarawan pa niya bilang “very special person” para sa kanya.

“At syempre, sayo, sa nag-asikaso nito, salamat sa lahat. Napaka espesyal mo, alam mo na ‘yun! Thank you, Gov. [Luigi],” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

Super kilig naman ang maraming netizens kay aktres at sa politician kung saan may mga tumatawag pa sa aktres na “future first lady.”

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Inlove na ata ang aming mahal na Yassi! Ok lang nakasuporta pa din kami sayo kahit sino ang mahal mo [red heart emojis].”

“We support you all the way, mahal. Kung sino ang mahal mo, mahal din namin [heart emoji] Future First Lady! [clapping hands emoji]”

“Grabe ang pag suporta ng Villafuerte Family sa mahal namin… Actions speak louder than words [happy face emoji]…Kayo na ba!?”

Kamakailan lang ay nag-open up si Yassi patungkol sa kanyang tunay na relasyon with Luigi.

Sa isang interview, inamin ng aktres na masaya siya sa kung anuman ang mayroon sila ngayon ng gobernador.

Gayunpaman, ayaw niyang bigyan ng label ang kanilang samahan.

Matatandaang unang na-link ang aktres kay Luigi nang kumalat sa social media ang mga larawan na kuha nang mag-host ito sa isang founding anniversary event sa Camarines Sur.

Makikitang hinalikan ni Gov. Luigi sa pisngi si Yassi. 

Nilinaw naman ni Yassi na wala talagang involved na third party sa hiwalayan nila ng dating fiance na si Jon Semira at mutual rin ang kanilang desisyon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yassi Pressman ayaw bigyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Luigi Villafuerte: Not rushing into anything

Yassi Pressman 10 years nang kakilala si Luigi Villafuerte, nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang ang relasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending