Yassi Pressman 10 years nang kakilala si Luigi Villafuerte, nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang ang relasyon
TEN years nang magkakilala at magkaibigan ang nagbabalik-Kapuso na si Yassi Pressman at si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Iyan ang kinumpirma ng dalaga nang matanong tungkol sa real score sa pagitan ng batang gobernador matapos kumalat ang chika na may “something” na nang namamagitan sa kanila.
Naging hot topic sa social media at sa apat na sulok ng kashowbizan ang pakikipaghiwalay ni Yassi sa dati niyang boyfriend na si Jon Semira at ang closeness nila ni Luigi base sa mga kumalat na sweet photos nila together.
View this post on Instagram
“Me and Luigi have known each other for a very long time. Parang 10 years na kaming magkakilala.
“So now, we’re just spending more time together and getting to know each other more,” ang pahayag ni Yassi sa panayam ng GMA.
Baka Bet Mo: ‘Holding legs’ photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: ‘Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?’
Tungkol naman sa naging desisyon nila ni Jon na tapusin na ang kanilang relasyon matapos ngang mabalita ang kanilang engagement, sabi ni Yassi, ibalato na lang sana sa kanila ng publiko ang kanilang privacy.
“Bilang tao, meron pa rin pong mga bagay na we wanted to keep private. Pero OK lang—me and the people involved, lahat kami maayos at nag-uusap pa rin kami hanggang ngayon,” sey ni Yassi.
View this post on Instagram
Ilang beses nang nakikitang magkasama ang aktres at si Gov. Luigi, una na nga riyan ang pagkikita nila sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, noong August 13. Hinalikan pa ng gobernador si Yassi sa pisngi.
Sa isang Facebook post naman noong August 19, may netizen na nag-post ng litrato nina Yassi at Luigi na magkasama sa isang ATV adventure.
Ang nakalagay sa caption, “SALA NA NAMAN NAKAPTAN NI GOV (Mali na naman nahawakan ni gov).”
Sa isang panayam, inamin rin ni Yassi na totoong may pinagdaraanan din siya sa personal niyang buhay pero sa kabila nito mas pinipili niyang magpakatatag at ituloy lamang ang buhay.
“Kahit na you show up to work all the time, and you’re happy, and you’re ready, inside, meron pa rin pong mga pinagdadaanan kasi po lahat naman tayo mga tao lang. So we try to show up every day,” sey pa ni Yassi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.