Bianca ambisyon talaga ang maging nanay: Yun ang purpose ko

Bianca ambisyon talaga ang maging nanay: Yun ang purpose ko sa buhay!

Ervin Santiago |February 22,2024
facebook
share this

Bianca ambisyon talaga ang maging nanay: Yun ang purpose ko sa buhay!

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 09:43 AM

Bianca ambisyon talaga ang maging nanay: Yun ang purpose ko sa buhay!

Ruru Madrid at Bianca Umali

ISA pala sa mga ultimate dream ng Kapuso actress na si Bianca Umali ay ang maging ina.

Feeling daw ng girlfriend ng Action-Drama Prince ng GMA na si Ruru Madrid, talagang isinilang siya sa mundo upang magampanan ang kanyang misyon – ang mag-alaga at magpalaki ng mga anak.

Ni-reveal yan ni Bianca sa bagong YouTube vlog ng TV host-comedian na si Luis Manzano, ang “Luis Listens” nang matanong siya kung ano ang isang bagay about her na hindi pa alam ng mga tao.

“Sa kung nasaan ako sa buhay ko ngayon that would be ‘yong ambisyon ko na maging nanay.

Baka Bet Mo: Shaina Magdayao binalikan ang panahong hinahanap ang tunay na purpose sa buhay: ‘Akala ko magmamadre na lang ako’

“It comes from my lola of course who raised me when I lost my parents. Now that I am getting older, nakikita ko ‘yong bits and pieces of her in me, and that just makes me happy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“And I know that purpose ko sa buhay na ‘to ‘yung mag-alaga ng tao, maging nanay. Kahit na hindi ko pa anak,” pahayag ni Bianca.

“Ayaw mong mag-nurse muna? Parang tinuloy mo kaagad ‘yung pagiging isang nanay,” sundot na tanong ni Luis (sabay silang natawa ni Bianca).

“Ambisyon kong maging mommy and I’m excited to be one legitimately. But ngayon pa lang ‘yong alagaan ko si Ruru, alagaan ko ‘yung lola ko, alagaan ko ‘yong mga taong katrabaho ko, it makes me genuinely happy kaya feeling ko ayun ‘yong purpose ko in life, eh,” paliwanag ni Bianca.

Sey naman ni Luis na usa na ring tatay ngayon, nararamdaman niyang magiging mabuting nanay si Bianca sa kanyang mga future kids.

Nagkasama sina Luis at Bianca sa programang “It’s Your Lucky Day”, ang noontime show na pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” nang patawan ng suspension ang programa ng MTRCB.

* * *

Talaga namang very special ang selebrasyon ng Panagbenga Festival this year dahil naki-join sa makulay na festivities ang “Asawa ng Asawa Ko” lead stars na sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz.

Kasama pa nila sa paghahatid ng saya sa Baguio City ang kanilang co-stars na sina Martin del Rosario at Liezel Lopez. Ginanap ang Kapuso Fiesta sa Sunshine Park nitong Sabado, February 17.

Baka Bet Mo: Tanong ni JK Labajo sa mga baguhang musikero: Bakit n’yo ba ginagawa ‘to? Ano’ng purpose mo?

Tilian ang maraming fans nang maghandog ng song and dance performances si Jasmine. Lalo namang naging festive ang vibes ng programa sa nakahahawang energy na ipinakita ni Rayver habang nagpe-perform on stage.

Hindi rin siyempre nagpahuli sina Martin at Liezel sa pag-spread ng love at good vibes sa mga Kapuso.

Talaga namang very infectious ang kanilang warm smiles at bubbly presence kaya naman napuno ng mga ngiti at positivity ang Sunshine Park.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Get ready, mga Kapuso, dahil tiyak na mas marami pang favorite artists ninyo ang dadalhin ng GMA Regional TV sa inyong lugar para maghatid ng one-of-a-kind entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending