Ervic Vijandre wasak ang relasyon sa beauty queen dahil sa…
PINAGSELOSAN ng ex-girlfriend ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre ang kanyang pagiging public servant kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Kuwento ng binata, mula nang mag-break sila ng dati niyang dyowa ay hindi na siya nagkaroon ng lovelife at hanggang ngayon nga ay single na single pa rin siya.
Nakachikahan ng ilang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang aktor at konsehal sa San Juan sa naganap na 1st anniversary ng Beautéderm Headquarters sa Angeles City last February 10.
View this post on Instagram
“Actually, maano din yun, e…biglang nagpakasal sa iba! Actually, hindi ghosting, e. Hindi ko alam. Siguro may nakikita sila sa akin na…kasi, may goal ako.
Baka Bet Mo: Sikat na sexy star nakapagpatayo na ng sariling bahay kahit walang masyadong trabaho, rumaket bilang escort girl
“Gusto ko talagang…ginive up ko nga yung pag-aartista para sa goal ko na public service. So inisip siguro, kasi minsan, yung mga babae, gusto nila, sila yung uunahin mo. Sila yung ano mo (priority),” paliwanag ng Kapuso actor.
“E, kagaya ko, nu’ng nanalo ako, sa speech ko talaga, every barangay na pinupuntahan ko, sabi ko, ‘Wala po akong asawa, wala po akong anak. Pag pinagbigyan niyo po ako, iaalay ko po talaga ang aking sarili!’
“So, nu’ng nanalo po ako, nagka-girlfriend ako. Nung nagka-girlfriend ako, hindi niya maintindihan. Sabi niya, ‘Ba’t ka ba labas nang labas?!’ Kasi kunyari may namatayan, makikiramay ako. May birthday.
“Sabi niya, ‘Kilala mo ba yung may birthday?!’ ‘Hindi. Social obligation ko yun. Kailangang makisaya, makiramay, ganyan.’ Hindi niya maintindihan.
View this post on Instagram
“Sabi niya, ‘Araw-araw ka nang nasa upisina, tapos ganyan! Wala na tayong time!’ Nakakatawa man, sabi ko, ‘E sinabi ko kasi, inalay ko ang sarili ko sa kanila. Support mo na lang ako.’
“Ayun, nag-conflict kami, nagseselos. Nag-break,” tuluy-tuloy na pahayag ni Ervic.
Baka Bet Mo: Vilma nami-miss na ang politika, pinatatakbo uling kongresista sa 2025: ’24 years din ako tumagal sa public service’
Totoong medyo nag-suffer ang kanyang personal life dahil sa kanyang pagiging public servant, “Nandu’n na po ako sa na-realize ko na yun. Sabi niyo nga, ang tagal na, wala pa rin akong asawa.
“Siyempre umabot ako du’n sa stage na naghahanap talaga ako. Pero nandito ako. Sabi ko, kakahanap ko, nasasayang yung oras ko.
“Parang hindi naman natutuloy, ganyan. So inisip ko, gumawa na lang ako ng isang bagay na feeling ko, tama at makabuluhan.
“Which is yung ginagawa ko ngayon. So, hindi naman kino-close ko yung door dun sa personal na buhay ko. Ngayon, hindi ko na ipinipilit,” paliwanag ng konsehal.
Natanong din siya kung may ideal age ba siya ng pag-aasawa, “Ang dami kong naging target (age). Dati sabi ko, before 30 sana. Tapos biglang ganyan, hanggang na-move nang na-move.
“Sabi nga ng mommy ko, ‘Huwag kang ma-pressure, kasi lalaki ka naman.’ Pero sabi rin ng mommy ko, ‘Gusto kong magkaapo na sa yo,’” aniya pa.
Tungkol naman sa posibilidad na tumanda siyang binata, “Naisip ko na rin yon. Sabi ko, okay lang din naman ako. Yun nga, sabi ko nga, di ba?
“Kung dito na lang ako talaga sa public service, na araw-araw yun ang gagawin ko, okay. Pero siyempre, mas masaya na may pamilya kang uuwian. May batang naghihintay sa yo,” sey pa ni Ervic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.