Sikat na aktres 'on the rocks' ang relasyon sa dyowang foreigner

Sikat na aktres ‘on the rocks’ na ang relasyon sa dyowang foreigner

Reggee Bonoan |February 21,2024
facebook
share this

Sikat na aktres ‘on the rocks’ na ang relasyon sa dyowang foreigner

Reggee Bonoan - February 21, 2024 - 08:05 AM

Sikat na aktres 'on the rocks' na ang relasyon sa dyowang foreigner

Guess, guess who!?

MUKHANG hindi pa naaamoy ng netizens na on the rocks ang relasyon ng kilalang aktres sa boyfriend niyang malayo sa kanya.

Tsika ng aming source, “Busy kasi sila pareho, so, they decided muna na mag slow down sa kanilang relasyon kasi nga may kanya-kanya silang career.

“Hindi masabi ni girl kung sila pa kasi nga di ba, iba ang lengguwahe ng ibang lahi, pero pina-follow pa rin nila ang isa’t isa sa social media,” sabi ng aming source.

“E, di ba kapag hindi na pina-follow iyon na ‘yung sign na hiwalay na? Kaya nga maraming nabubuking dahil sa unfollow na ‘yan.

Baka Bet Mo: Bretman Rock gustung-gusto nang bumalik uli ng Pinas: ‘I miss being home…take me back now!’

“Kaya pansin mo ‘yung ibang celebrity naka-private na at sila na lang ang nakakakita kung sino ang followers nila, pero ‘yung pina-follow nila naka-public pa,” sabi pa.

Tsinek namin ang Instagram account ni aktres at ng boyfriend niya at matagal na palang wala silang post na magkasama o kaya something na maaalala nila ang isa’t isa tapos tina-tag nila ang bawa’t isa.

Kung tama ang bilang namin ay mahigit anim na buwan na ang huling post ng  aktres at ng boyfriend nitong magkasama sila.

“Hindi sila magkagalit, okay sila pero wala na talagang posting-posting na sila pa, kaya slow down nga ang ginamit na term.

Baka Bet Mo: Enchong magbubukas ng sariling music school: We are opening Academy of Rock PH!

“Malalaman natin kapag umamin na si girl sa common friend namin.  Hindi pa lang nahaharap ng friend namin, e, busy kasi siya sa shooting niya,” sabi pa ng aming source.

Nakakahinayang kung on the rocks na nga ang aktres at ang boyfriend niya dahil malaki rin ang sakripisyo niya rito.

“Kaya kaming mga friends ang laging kasama ni ____ (aktres) now, inaaliw ang self, pero hindi naman siya mukhang malungkot, o magaling lang magtago?” natawang say ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga, susme daming best actress trophy ‘no!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending