Kaila Estrada pumirma na sa ABS-CBN, Janice proud sa anak
SUPER grateful ang aktres na si Kaila Estrada sa lahat ng mga blessings na natatanggap niya sa kanyang career lalo na’t ngayon ay ganap na siyang Kapamilya.
Kahapon, February 19, naganap ang first- ever contract signing ng “Can’t Buy Me Love” star sa ABS-CBN at isa na itong ganap na Kapamilya star.
Pagbabahagi ni Kaila, “I am very happy and proud to be a Kapamilya. And I will always be a Kapamilya for as long as you guys will have me. So thank you so much for this.”
Matatandaang nagsimula ang showbiz career ng dalaga nang maging parte ito ng 2021 series na “Viral Scandal” at nagtuluy-tuloy ang magandang feedback sa kanya nang gampanan niya ang karakter bilang Sylvia sa hit teleserye na “Linlang”.
At sa pagpasok ni Kaila sa bagong yugto ng kanyang career bilang certified Kapamilya, nagbigay ng mensahe ang mga taong malalapit sa kanya at isa na nga rito ang kanyang ina na si Janice de Belen.
Bilang ina ay hindi mapigilan na maging emosyonal ni Janice dahil sa panibagong achievement ng kanyang anak.
Baka Bet Mo: Kaila Estrada sa paghihiwalay ng mga magulang noon: Everything worked out for the best
View this post on Instagram
“To my dearest daughter Kaila, know that I am very proud of you and I will always be proud of you.
“I wish you continuous success, but as you hold your head up high, also keep your feet on the ground,” saad ni Janice.
Dagdag pa nito, “Hayaan mo, anak. May contract ka na sa ABS. Hindi ka na anak ni Janice. Ako na ang magiging nanay ni Kaila. I love you!”
Sa Instagram ay ibinahagi rin ng Kapamilya star ang ilang mga larawan na kuha mula sa kanyang contract signing.
“l’m so overwhelmed with gratitude for this incredible opportunity. It feels like just yesterday when I first stepped into the Star Magic office, with nothing but a dream and unwavering faith. Little did I know, l’d discover such purpose and a welcoming home here,” sey ni Kaila.
Pagpapatuloy niya pa, “Thank you to ABSCBN and Star Magic, from the bottom of my heart for believing in me and guiding me along this journey. Proud to be a Kapamilya.”
Ilan sa mga nag-congratulate kay Kaila ay ang kanyang tiyahin na si Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Melai Cantiveros, Joao Constancia, at marami pang iba.
Sa ngayon ay mapapanood ang aktres sa “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.