Kaila Estrada sa paghihiwalay ng mga magulang noon: Everything worked out for the best

Kaila Estrada sa paghihiwalay ng mga magulang noon: Everything worked out for the best

Therese Arceo - November 18, 2023 - 01:38 PM

Kaila Estrada sa paghihiwalay ng mga magulang noon: Everything worked out for the best

Kaila Estrada, Janice de Belen, John Estrada

NAGING bukas ang aktres na si Kaila Estrada sa kanyang naramdaman noong maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada.

Sa kanyang panayam sa talent manager na si Ogie Diaz, inamin niyang noong bata ay nagkaroon ng epekto sa kanya ang nangyari sa mga magulang.

Natanong kasi si Kaila kung na-trauma na sila ng mga kapatid sa hiwalayan ng kanyang parentals.

“Yeah. I feel like… I can only speak for myself kase siyempre iba naman ako sa mga kapatid ko, iba rin sila so I can’t say kung ano ‘yung nafi-feel nila.

“Pero ako siguro, mas nung bata ako. Ngayon kase okay na ako eh. I mean masaya si mama, masaya si dad ‘di ba? So our relationships are good naman. All is well pagdating sa amin,” pagbabahagi ni Kaila.

Aniya, 5 years old lang kasi siya noong naghiwalay ang kanilang mga magulang.

“Siguro before kasi nung nag-separate sila, I was I think 5 years old ako. Siguro, may mga panahon na ano lang sa school, ‘yung mga family day, magpe-perform kami sa school… Sanay kaming si mama lang yung pupunta, ‘yung mga ganon,” lahad ni Kaila.

Dagdag pa niya, “It’s part of the reality, ‘yung situation namin. So siyempre when O was younger, I wanted us go have that experience na mabuo kami.”

Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi pa handang makatrabaho sina Janice de Belen at John Estrada: Nahihiya akong magkamali

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit nang lumalaki na sila ay unti-unti na rin naintindihan ni Kaila ang mga pangyayari.

“Growing up, mas nagkaroon na ko ng understanding sa mga bagay-bagay and na-process ko na. Madali ko na rin siyang natanggap. Feeling ko rin, everything worked out for the best naman at saka ok kaming lahat,” sey pa niya.

Chika pa ni Kaila, nakatulong rin ang mga pangyayari para mas maging bukas ang kanyang isip sa reyalidad ng buhay.

“Sobrang nabuksan ang isip ko na if I choose to have a family, kasi life happens, and hindi mo naman din mape-predict ang mga nangyayari even if you want na maging buo kayo, if hindi ‘yun ang plan sa ‘yo ni God, [hindi talaga].

“Dahil sa nangyari sa amin, hinanda ko na ang sarili ko na may possibility na hindi maging ganoon and ready naman ako for that. Na-prepare ko naman ang sarili ko. I’ll accept whatever happens. At least, I know how to handle myself. Eventually then, I’ll know hoe to handle if ever I have kids because of how well my mom handled everything,” lahad ni Kaila.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaila Estrada to the rescue sa pamba-bash kay Anji Salvacion: ‘Be more responsible in what we say online…’

Kaila Estrada humingi ng acting tips kay Janice de Belen bago sumabak sa ‘Linlang’, bakit palaging nagso-sorry kay Kim Chiu?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending