GMA execs hihingi ng paumanhin dahil sa serye ni Jillian Ward

GMA execs nagpaliwanag sa mayor ng Baliwag dahil sa serye ni Jillian Ward

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 01:24 PM

GMA execs makikipagkita sa mayor ng Baliuag dahil sa serye ni Jillian Ward

Jillian Ward

NGAYONG araw inaasahan ang pagpunta ng ilang executives ng GMA 7 sa opisina ni Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella.

Ito’y matapos ngang maglabas ng saloobin ang tanggapan ng alkalde hinggil sa isang teleserye ng Kapuso Network, ang “Abot-Kamay Na Pangarap” na pinagbibidahan ni Jillian Ward.

Sa official statement ng GMA na ipinadala sa BANDERA ngayong araw, kinumpirma ng network na nakatakdang dalhin sa tanggapan ni Mayor Estrella ang kanilang apology letter.

“GMA Asst Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria has reached out to Mayor Ferdie Estrella on behalf of the writer and the program.

“And they will also meet with him on Monday to deliver the apology letter personally. All’s well that ends well. Thank you,” ang nakasaad sa naturang statement.

Baka Bet Mo: Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’

Matatandaang nag-post ang alkalde ng Baliwag sa Facebook ng kanyang hinaing tungkol sa kontrobersyal na episode ng “Abot-Kamay Na Pangarap”. Narito ang buong pahayag ng Mayor.

“Sa episode ng Abot Kamay na Pangarap ng GMA 7 na pinalabas noong Pebrero 14, 2024 ay nabanggit ang pangalan ng Lungsod ng Baliwag kung saan ito ay ginamit bilang bahagi ng dayalogo ng isa sa mga karakter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Sa naging dayalogo ay ginawang katatawanan ang Baliwag, Bulacan. Ito ay nakalulungkot dahil nagpapamalas ito ng kakapusan sa kaalaman at kawalan ng sensibilidad sa mga mahahalagang isyu.

“Marami ang itinuturing na pinagmulan ng pangalan ng Baliwag ngunit hindi isa rito ang salitang baliw. Ang baliuag ay isang matandang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay malalim (deep, profound sa Ingles; hondo, profundo sa Kastila).

Baka Bet Mo: Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun

“Ito ay nailathala noong 1800 bilang isang salita sa Vocabulario Lengua Tagala at makikita sa pahina 33 ng diksyunaryo. Ito rin ay matatagpuan sa pahina 115 ng Diksyunario Tesauro ni Jose Villa Panganiban (Villacorte, 2001).

“Isa pang punto sa usaping ito ay ang pang-iinsulto at gawing katatawanan ang kalagayan ng isang baliw.

“Ang Lungsod ng Baliwag ay isa sa mga nagtataguyod ng adbokasiya sa mental health kaya naman hindi rin kami sumasang-ayon sa pagpapalabas ng nakakasirang tema lalo pa at ikinakabit ang Baliwag bilang punchline o bagong katawagan para makapangpahiya ng sinuman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya naman kinokondena namin ang iresponsableng pagsusulat ng iskrip at pagpapalabas nito. Nawa ay hindi na ito maulit, magsilbing aral, at makalikha ng kamalayan para sa mga susunod pa na palabas at iba pang pagtatanghal.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending