BF ni Maris na si Rico na-meet na ni Anthony: Love triangle tayo?

BF ni Maris na si Rico na-meet na ni Anthony: Mag-love triangle tayo, bro?

Ervin Santiago |February 19,2024
facebook
share this

BF ni Maris na si Rico na-meet na ni Anthony: Mag-love triangle tayo, bro?

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 11:26 AM

BF ni Maris na si Rico na-meet na ni Anthony: Mag-love triangle tayo, bro?

Maris Racal, Rico Blanco at Anthony Jennings

NAKILALA na nang personal ng viral Kapamilya actor na si Anthony Jennings ang boyfriend ni Maris Racal na si Rico Blanco.

Mismong si Anthony ang nagkuwento ng pagkikita nila ng dyowa ng kanyang ka-loveteam sa seryeng “Can’t Buy Me Love” sa ilang members ng entertainment press kamakailan.

Okay naman daw ang “meet and greet” nila ni Rico na nangyari habang nasa taping sila ni Maris para sa “Can’t Buy Me Love” kamakailan.

Bumisita kasi ang singer-songwriter sa location ng naturang serye kaya nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magkakilala sila ni Anthony na sikat na sikat ngayon dahil sa tambalan nila ni Maris.

Baka Bet Mo: Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love laging trending

“Nag-usap kami saglit. Wala naman. Tropa lang din naman ang turingan namin. Paano ako nag-i-interact sa ibang tao, ganoon din naman.

“Lahat ‘yun pantay-pantay ang tingin ko. Sabi ko nga, ‘Gusto mo, mag-love triangle tayo, bro?'” ang birong chika ni Anthony sa naturang interview.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey pa ni Anthony, nirerespeto niya ang relasyon nina Maris at Rico tulad din ng pagrespeto niya sa limang taong relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Happy ako na nakausap ko siya. Nagkakilala kami sa ABS-CBN Ball. Natatawa silang dalawa, ‘yung girlfriend ko at si Rico. Natutuwa din sila sa mga eksena namin ni Maris,” lahad pa ng binata.

Baka Bet Mo: Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

In fairness, biglang sikat ang loveteam nina Anthony at Maris bilang sina Irene at Snoop o SnoRene dahil sa “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil nga sa kasikatang tinatamasa ng SnoRene loveteam, sila ang napili ni ni Darren Espanto para bumida sa music video ng bago niyang kanta, ang “Iyo” na hit na hit na rin ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending