Chito emosyonal nang magkasakit; bet maging best husband & dad

Chito emosyonal nang magkasakit; kakaririn maging ‘best husband & dad’

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 06:00 AM

Chito emosyonal nang magkasakit; kakaririn maging 'best husband & dad'

Neri Miranda at Chito Miranda kasama ang mga anak

HINDI napigilan ng singer-songwriter na si Chito Miranda ang maging emosyonal habang nagpapagaling sa kanyang karamdaman.

Tinamaan ng ubo, sipon, lagnat at matinding sakit ng katawan ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar kaya “naka-isolate” siya ngayon.

Kasalukuyang nasa Amerika si Chito kasama ang kanyang wifey na si Neri Miranda pati na ang kanilang mga anak. Meron siyang ilang show sa US kasama ang iba pang miyembro ng kanyang banda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Chito ng mga litrato ng kanyang mag-iina habang namamasyal. Dito nabanggit nga niya na ilang araw na siyang may trangkaso.

“Pagpasensyahan nyo na kung medyo emotional ako ngayong gabi.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kay Chito Miranda: ‘Baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa!’

“Actually 6am na dito sa LA, and hindi ako makatulog,” ang simulang caption ni Chito sa kanyang IG post.

“I’ve been sick for the last couple of days, and although I’m feeling a bit better, just to be safe, sa kabilang kwarto pa rin ako natutulog para di mahawa si Neri and yung kids.

“I miss them terribly kahit nasa kabilang kwarto lang sila…and nagi-guilty ako kasi feeling ko namimiss din nila ako kalaro, and alam ko namimiss din ako ni Neri,” pag-amin ng OPM icon.

Patuloy pa niya, “Sobrang naa-appreciate ko lang sila ngayon…kung gaano ako kaswerte sa pamilya ko. Kung gaano sila kabait at kung gaano nila ako kamahal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“How much they want to be with me and how much they want to have the best possible relationship that they could have with me.

“Pangako ko na susuklian ko yung pagmamahal na yun. I will always try my best to be the best husband and best dad para sa kanila at maging good example para sa mga anak ko.

“Babawi ako sa mga panahon na nagkulang ako or naging busy ako masyado or nagsungit ako dahil sa kung anumang dahilan.

“Hay, jusko…gusto ko na silang yakapin at iparamdam kung gaano ko sila kamahal. Gusto ko na iparamdam sa kanila how much I enjoy spending time with them.

“Ang OA ko no? Ganito talaga ako eh,” ang buong mensahe ni Chito.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba nag-offer si Angel ng kwarto kina Chito Miranda?

Nauna rito, ibinahagi nga ng singer ang pagkakaroon niya ng sakit sa US, “Sobrang sama ng pakiramdam ko kanina. Kagabi, ok naman ako. Pero pagkagising ko kaninang umaga, sobrang sama na ng pakiramdam ko kaya nahiga lang ako buong day.

“Ubo, sipon, lagnat, tapos sobrang bigat ng katawan ko na ang hirap hirap bumangon.

“Pagdating namin sa venue, pinatulog muna ako ng management. Pagkagising ko, shumat lang ako ng whiskey at uminom ng madaming tubig.

“Medyo gumaan pakiramdam ko and was able to do a 2hr set. Hindi ako makakakanta ng maayos pero dahil sinabayan nyo kami sa pagkanta, hindi masyado nahalata na hirap na hirap ako kumanta (salamat talaga, LA…grabe talaga kayo, as always).

“After ng meet n greet, bumagsak na naman katawan ko sa biyahe pauwi hanggang bahay at pagdating sa bahay, di na naman ako makabangon at suka na ko ng suka.

“Medyo gumaan-gaan naman na ulit pakiramdam ko after ko sumuka at nag-isolate muna ako kasi ayoko mahawa kids namin.

“Salamat sa asawa ko sa pag-asikaso. Baka emotional lang ako dahil masama pakiramdam ko pero medyo naiyak talaga ako kanina dahil sa pag-asikaso nyo sa akin. Napaka-selfless lang. Napaka-swerte ko talaga,” kuwento ni Chito.

Narito naman ang ilang comments ng netizens.

“Sana lahat ng hubby ganyan yung mindset. Yung hindi sila nagtetake for granted. Tapos yung tipong kapag wala dun sila nagngangangawa.”

“Ang cuteeee. Sana gumaling ka na po. In God’s grace.”

“Apaka touching naman nito kuya chito, u love your family so much talaga.”

“True mas marami pang dahilan para bumangon at magsipag kse napakaganda ng pamilya mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salute to you @chitomirandajr. get well soonest!!! We,too pray for your very fast recovery to be with your fambam na.”

“Napakabait mong Tao. Kahit nag coconcert ka, ang bait bait mo sa stage. Compassionate ka, empathetic ka, reciprocative, Very humble pa. Very positive ang captions mo. Madami Sana na tularan ka. God bless and Get well soon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending