Mga pakilig na regalo para sa dyowa, iba pang mahal sa buhay

Valentine2024: Mga pakilig na regalo para sa dyowa, iba pang mahal sa buhay

Pauline del Rosario - February 13, 2024 - 02:53 PM

Valentine2024: Mga pakilig na regalo para sa dyowa, iba pang mahal sa buhay

Unique gifts for Valentine’s Day

MALIBAN sa fresh flowers, nagsisilabasan na rin ngayon ang iba’t ibang gimik na pwedeng ipangregalo ngayong Valentine’s Day!

Narito ang ilan sa mga nahagilap ng BANDERA sa social media na siguradong magpapakilig sa mga espesyal na taong inyong pagbibigyan.

Fruit Bouquet

Kung pagiging sweet at healthy ang concern niyo, swak na swak ang bouquet na gawa sa mga prutas.

Kagaya ng nakita namin sa isang group page, gawa ito sa strawberries na isinawsaw sa iba’t-ibang klase ng tsokolate.

At para maging elegante ang datingan nito, pwede pa itong lagyan ng half dozen ng edible roses.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine’s Day?

Valentine2024: Mga pakilig na regalo para sa dyowa, iba pang mahal sa buhay

PHOTOS: Coutesy of Marj Pacheco

Crochet Flowers

Uso din ngayon ‘yung tinatawag na crochet flowers!

Gawa ito sa yarn at talaga namang made with love dahil isa-isa itong ginantsilyo hanggang sa maging isang bulaklak.

Ayon kay Nicole Corpuz, ang nasa likod ng “Crochet Yarn” Facebook page, aabutin ng 15 hanggang 20 minutes ang paggawa ng kada piraso ng bulaklak.

Kung bouquet naman ay at least isang oras naman daw ang itatagal.

“The good thing about crochet flowers is you can keep them for a long time since hindi naman siya na de-decay, maganda rin siya siya for display though it’s not something new in the market still hindi ganun ka usual for the others to receive it, we thought it gives of a cute and priceless feeling for someone to receive such thing,” chika niya sa amin.

Satin Roses

Iwas lanta rin ang “satin roses” na alternative kung gusto niyo nang pangmatagalan na mga rosas. 

Katulad ng crochet flowers, handmade din ito pero ang kaibahan lang ay gawa naman ito sa ribbons.

Money Bouquet

Kung pagiging praktikal naman, pwede kayong magregalo ng pera na may pasabog effect!

‘Yan ang tinatawag nilang “money bouquet.” 

Kahit magkano at kahit anong klase ng pera, pwede niyo ipalagay sa florist o gagawa ng inyong bouquet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nako, for sure, super happy ang mabibigyan niyo niyan dahil bukod sa pa-bulaklak niyo, may pera pa na pwedeng ipang-shopping!

Recycled Flowers

Maganda ring ibigay ngayon ang mga bulaklak na gawa sa recycled na materyales dahil bukod sa napasaya niyo ang inyong mahal sa buhay, nakatulong pa kayo sa kalikasan.

Na-interview namin ang florist na si Rodel Villacino at ipinaliwanag niya sa amin na maliban sa dried flowers ay pwede rin daw ang mga kahoy, balat ng mais, tela, at maraming pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending