Jennica ibinuking ang ginawa ni Jigo para mapalapit sa kapatid

Jennica ibinuking ang ginawa ni Jigo para mapalapit siya sa mga kapatid

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Jennica ibinuking ang ginawa ni Jigo para mapalapit siya sa mga kapatid

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 07:45 AM

Jennica ibinuking ang ginawa ni Jigo para mapalapit siya sa mga kapatid

Jigo Garcia at Jennica Garcia

KINARIR pala talaga ng dating aktor at “That’s Entertainment” star na si Jigo Garcia na mapalapit si Jennica Garcia sa mga half-siblings nito.

Hindi pa uso noon ang salitang “blended family” ay ganito na ang sistemang kinalakihan ng Kapamilya actress na si Jennica sa kanilang pamilya.

Kuwento ni Jennica, para mapalapit daw siya sa mga anak ng kanyang tatay sa naging partner nito nang magkahiwalay sila ng nanay niyang si Jean Garcia, ay nakaisip ito ng paraan.

Ito ay ang paglipat niya sa school na pinapasukan ng kanyang mga kapatid sa ama na sinang-ayunan naman ni Jean.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’

“Kasi ang Papa ko growing up usually nakikita ko lang siya kapag birthday ko, once a year ganyan. Pero nu’ng…I think third year high school ako, si Papa kinausap ako kung gusto kong mag-transfer ng school.

“At ‘yung school na lilipatan ko is ‘yung school kung nasaan ‘yung mga kapatid ko,” pagbabalik-tanaw ni Jennica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


“Parang sabi niya nag-iisip siya ng parang kung paano ako magiging malapit talaga na makilala ‘yung mga kapatid ko and I agreed with him,” aniya pa.

At nang makasama na nga niya sa iisang paaralan ang mga half-siblings, mas nakilala pa niya ang mga ito at mas naging close pa sila bilang magkakapatid.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia never sisiraan ang estranged husband: Mahal ko rin po kasi talaga ‘yung family ni Alwyn

“Paglipat ko du’n ‘yun na siyempre kasama ko sila Monday to Friday tapos nakilala ko ‘yung mga kapatid ko na araw-araw ko silang kasama,” kuwento ni Jennica.

“Kailangan ko talaga ibigay sa papa ko na sobrang ganda ng pagpapalaki niya sa apat kong kapatid kasi sila mismo as a family sa kanila ko nakita na ‘yung bunso namin mag-o-open up about love life. Tapos nagugulat ako na pinaguusapan nila lahat.

“Du’n ako nagka-idea na sabihin sa mga kapatid ko na from then on na magka-kapatid tayong buo, na pwede ko pa lang sabihin ‘yun kasi very open naman po sila to each other,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, pinuri rin niya ang inang si Jean dahil hindi nito kailanman siniraan si Jigo kahit hiwalay na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa totoo lang po kailangan ko rin talaga ibigay ’yung credit sa mama ko kasi hindi ‘yun magiging ganu’n kung may sinabing masama ‘yung Mama ko tungkol sa Papa ko pero wala, good words lang talaga ang binibigay ng mama ko,” sey ni Jennica patungkol kay Jigo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending