Banat ng fans ni Daniel kay Dominic: 'Ikaw ang hindi invited'

Banat ng fans ni Daniel kay Dominic: ‘Ikaw ang hindi invited’

Therese Arceo |February 08,2024
facebook
share this

Banat ng fans ni Daniel kay Dominic: ‘Ikaw ang hindi invited’

Therese Arceo - February 08, 2024 - 06:50 PM

Banat ng fans ni Daniel kay Dominic: 'Ikaw ang hindi invited'

TILA pulutan ngayon ng mga supporters ng aktor na si Daniel Padilla ang hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo.

Marami kasi ngayon ang nagsasabing tila nakarma ang dating aktor sa kanyang naging pahayag na hindi invited sa kasal niya ang dating dyowa ni Kathryn.

Matatandaang nauna nang ipinahayag noon ni Dominic nang matanong siya ng press na hindi kasama sa listahan ng mga imbitado sa kanilang kasal ni Bea ang dating kaibigan na si Daniel.

Aniya, “Hindi naman kami okay ni DJ. I mean, we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time, since 2020.”

Marami sa Daniel supporters ang napataas ang kilay sa sinabi ni Dominic kaya naman ngayon ay sinasabi ng mga ito na tila “karma” raw sa binata ang nangyaring hiwalayan nila ng kanyang fiancèe.

Narito ang ilan sa mga hirit ng mga tagasuporta ng anak ni Karla kay Dom.

Baka Bet Mo: Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens kay Andrea

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Okay di lang si daniel ang di invited sa kasal ni bea pati po si Dominic di na din,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Sabi ni Dom di raw invited si Deej sa kasal yon pala pati sya di rin invited sa kasal ni Bea.”

“Daming ebas ni Dominic na hindi invited sa kasal. Yun pala ikaw ang hindi invited,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito rin ay natalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika sa latest episode nila ng “Cristy Ferminute” ngayong araw.

“Ikaw nga mismo hindi ka imbitado. Kasal mo ‘yan. Iyon ang malaking sampal na bumalik sa kanya kasi ang daming sumama ang loob lalo na ang tagahanga ni Daniel,” sey ni Romel.

Dagdag pa ni Cristy ayon sa mga sinabi ng netizens, “Ano ka ngayon? Ikaw ang hindi pala imbitado sa kasal. Karma is real. May ganoon pa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending