Bakit hindi na nag-iinarte si Chito kapag may concert tour?

Bakit hindi na nag-iinarte at nagsusungit si Chito kapag may concert tour?

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Bakit hindi na nag-iinarte at nagsusungit si Chito kapag may concert tour?

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 06:40 AM

Bakit hindi na nag-iinarte at nagsusungit si Chito kapag may concert tour?

Chito Miranda, Neri Miranda at mga anak

MAS ganado at mas inspired na mag-perform ngayon si Chito Miranda kapag may mga concert ang Parokya ni Edgar, lalo na sa ibang bansa.

Inisa-isa ng singer-songwriter ang mga dahilan kung bakit mas enjoy na enjoy siya sa pagtugtog at pagpe-perform kasama ang kanyang banda kung ikukumpara noon.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang Parokya ni Edgar frontman ng litrato kung saan makikita ang kanyang asawang si Neri Miranda kasama ang kanilang mga anak.

Kuha ito sa Canada kung saan nagkaroon nga ng series of shows ang OPM rock band.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna ibinunyag ang dahilan kung bakit ayaw magpa-house tour

“Foodtrip sa Vancouver.

“Sobrang saya ko na nasasama ko pamilya ko tuwing may tour ako kasama ng Parokya,” ang simulang pagbabahagi ni Chito sa caption ng kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “Unang-una, malaking bagay kasi para sa amin ni Neri na ma-experience ng mga kids namin lahat ng pwede nilang ma-experience. Aside sa school, feeling kasi namin madami din silang natututunan sa pag-travel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Pangalawa, hindi ako nase-stress at naho-homesick kahit gaano katagal yung tour. Dati kasi, kahit 2 weeks lang yung tour, ang sungit ko na hahaha,” chika pa ng OPM icon.

Sey ni Chito, kahit daw pangmatagalan ang stay ng kanyang banda sa ibang bansa ay okay lang sa kanya dahil kasama nga niya ang asawa’t mga anak.

“Ngayon, kahit more than a month ako mag-tour, wala akong paki kasi kasama ko pamilya ko…kaya tuwang-tuwa yung mga producers at management namin kasi hindi ako nagi-inarte hahaha!

Baka Bet Mo: Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

“Higit sa lahat, nage-enjoy sila kasi kung saan saan sila nakakapunta (pati na rin ako hehe).

“Dati kasi nagkukulong lang ako sa hotel room tuwing may tour, naghihintay lang na tumugtog at umuwi.

“Ngayon, dahil kasama ko pamilya ko, masaya ko silang nasasamahan kung saan saan hehe!

“Wala lang…gusto ko lang i-share. Siguro dahil thankful lang din ako kasi kasalanan ito ng lahat ng patuloy na tumatangkilik sa Parokya kaya nagawawa ko ang lahat ng ito,” pagbabahagi pa ni Chito Miranda.

Marami naman ang nagkomento sa post na ito ni Chito at halos lahat ay natutuwa para sa kanila ni Neri na going strong pa rin ang family at married life. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.

“Sayang po di ako nakapag pa picture sa inyo knina, dyan po ako nag wowork, gawan ko po sana kayo ng french crape for free.”

“Ako yung nag hello sa inyo sa Granville Island nung isang araw. Magpapa picture sana kaso nakakahiyang abalain ang paghigop mo ng sabaw. Hehehe!”

“Helo po isa ako sa nanood ng concert last friday dto sa vancouver ang galing nio sulit na sulit kc mdmi kaung kinanta.”

“Work life balance at its finest. Thank you Lord for making this possible and making us realize na possible pa po ito hihihi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yey the best ka pareng @chitomirandajr. come and visit us here in Victoria BC, tutal nagvisit kme jan Vancouver to watch your concert… heheh… isang ferry lang. mas magustuhan mga anak mo dito. Canada vibes..Sobrang swerte nyo po kay Ms. Neri pero swerte din si Ms. Neri sainyo at mga anak po ninyo. God bless you more and the whole family and the PNE band!!! I’m Always praying for all of you po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending