Kathryn hinamon ng fans ni Daniel na magsalita na sa isyu ng kautangan

Kathryn hinamon ng fans ni Daniel na magsalita na sa isyu ng kautangan

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

ILANG loyal fans ni Daniel Padilla ang nakiusap kay Kathryn Bernardo na sana’y magsalita na ito tungkol sa umano’y pagkakautang ng pamilya ng kanyang ex-boyfriend.

Masyado na raw kasing nadidiin ang pangalan ni Daniel pati na ang ina nitong si Karla Estrada sa chikang malaki raw ang utang nila kay Kathryn at sa nanay ng aktres na si Min Bernardo.

Ang hiling ng supporters ni DJ, kung talagang walang utang ang aktor ay linawin ni Kath at ipaalam sa publiko na hindi totoo ang mga naglalabasang balita sa social media.

Maawa naman daw siya kay Daniel na patuloy na ninenega at inookray ng mga haters sa socmed.

Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita

Ito’y matapos ding ibalita ng online host na si Jobert Sucaldito sa kanilang  showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o OOTD ang tungkol sa kautangan daw ni Daniel sa pamilya ni Kathryn.

Ayon kay Papa Jobert, isang common friend daw nina Kathryn at Daniel Padilla ang nagpadala ng mensahe na nagsabing walang bahid ng katotohanan ang naturang isyu.

Narito ang mensaheng ipinadala sa veteran showbiz columnist, “Isang pagtutuwid sa mga maling balita na nangangailangang itama.


“Una, walang utang. Hindi kailanman nagkaroon ng pagkakautang sa personal ng milyon o kahit piso si Miss Karla Estrada kay Min Bernardo at kay Miss Kathryn mismo.

Baka Bet Mo: Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

“‘Yong Corvette na sasakyan ni Daniel, hindi totoong may parte si Miss Kathryn Bernardo sa nasabing sasakyan. Solo itong pag-aari ni Daniel. Lahat po ng sasakyan ni Daniel ay sarili niyang pera ang ipinambili,” ang pahayag ng common friend daw ng KathNiel.

Tungkol naman sa KFC Branch na pag-aari ni DJ, “Wala ring parte si Miss Kathryn Bernardo dun na pag-aari ng pamilya nila Daniel Padilla.

“‘Yong bahay, mahigit isang taon na nang mapagdesisyunan na ibenta ang bahay ni Miss Karla Estrada dahil nais na niyang lumipat sa South area. Iba ito sa bahay ni Daniel na katabi ni Miss Karla,” ang sabi pa.

Nitong mga nagdaang araw, na-headline nga ang pagbebenta ni Daniel ng kanyang luxury car na pag-aari raw nilang dalawa ni Kath. Ang kalahati raw ng pinagbentahan nito ay ibinalik ni DJ sa dating dyowa dahil silang dalawa ang may-ari ng sasakyan.

Nabalita ring “for sale” na ang bahay nina Daniel kaya ang kasunod na chika ay naghihirap na raw ang kanilang pamilya at marami raw utang ang nanay niyang si Karla.

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang official statement ang mga taong involved sa issue. Kaya nga ang request ng KathNiel fans, sana’y magsalita na sina Kath at DJ tungkol sa isyu ng utangan para matapos na ang kontrobersya.

Read more...