Robin: Nagbayad na ako ng pagkakautang ko, saka wala akong pinatay at ninakaw! | Bandera

Robin: Nagbayad na ako ng pagkakautang ko, saka wala akong pinatay at ninakaw!

Cristy Fermin - November 18, 2016 - 12:30 AM

RODRIGO DUTERTE AT ROBIN PADILLA

RODRIGO DUTERTE AT ROBIN PADILLA

SOBRANG ligaya ng action star na si Robin Padilla nang makakuwentuhan namin nu’ng Miyerkules nang tanghali kasama ang kanyang abogado at manager na si Betchay Vidanes.

Hindi pa rin siya makapaniwala na hawak na niya ang dokumentong nagsasaad na malayang-malaya na siya ngayon at wala nang kailangang panagutan sa batas dahil sa absolute pardon na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Una, binasa ko kung ano ang pinakaulo ng hawak kong dokumento. May nabasa akong absolute pardon. Sa pinakahuling pahina agad ako nagpunta, dahil ganu’n ang mga dokumento sa korte, nasa dulo ang pinakalaman.

“Nandu’n ang resulta, ang desisyon. May nakita akong approved. Tapos, pirmado na ni Pangulong Duterte. Napaiyak na ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari, umiiyak na lang ako,” kuwento ni Robin.

Pinagbayaran niya nang tatlong taon at kalahati ang kasong illegal possession of firearms na naging dahilan ng kanyang pagkakulong. Nakalaya siya nu’ng 1997 sa bisa ng conditional pardon na ibinigay sa kanya ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Pero ngayon lang niya natanggap ang absolute pardon, sa gobyerno lang ni Pangulong Duterte, pagkatapos dumaan ang tatlo pang pangulo mula nang makalaya siya.

“Nagbayad na po ako ng pagkakautang ko, saka wala akong pinatay, wala akong ninakaw, wala akong hinostage, bakal lang po ang nakalaban ko,” makabuluhang katwiran ng action star na mula nu’n hanggang ngayon ay mahal ng publiko.

Isang araw ay makakasama na niya sa Amerika ang kanyang mag-ina. Gustung-gusto na niyang mayakap si Mariel Rodriguez at ang panganay nilang anak na si Maria Isabella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending