SIGURADONG magiging proud ang lahat ng OFW mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa international Filipina actress na si Ruby Ruiz.
Yan ay dahil sa ipinakita niyang performance sa Prime Video limited series na “Expats” na pinagbibidahan ng Hollywood superstar na si Nicole Kidman.
Nakachikahan ng BANDERA si Ruby sa pa-presscon na ibinigay sa kanya ng Cornerstone Entertainment kasama ang ilan pang piling showbiz reporter kung saan nagkuwento nga ang aktres tungkol sa mga experience niya sa shooting ng “Expats.”
Ayon kay Ruby, memorable para sa kanya ang episode 5 ng serye dahil dito raw nangyari ang “confrontation” scene nila ni Nicole bilang si Margaret at ng karakter niyang Pinay nanny na si Essie.
Baka Bet Mo: Dolly de Leon tampok sa bagong US TV series kasama si Nicole Kidman
“Ang title nu’n (episode 5), ‘Central.’ Because Central Hong Kong. Ang Central Hong Kong, originally ang title nu’n was ‘Essie,’ in the original script. Pero pinalitan nila, Central, para mas malaki ang sinasakop.
“Because it is like a tribute to overseas Filipino workers. Du’n ipinakita yung ano namin, confrontation with Margaret. Na inamin niya sa akin, na nagsu-sorry siya, ‘Pasensiya ka na,’ ganu’n, all in English, na bakit ano. ‘I’m sure, meron kang galit sa akin’ dahil ganito, ganito, ganito. Hindi ko na masyadong i-spoil yung details.
“Kumusta yung eksenang yun? That was my favorite scene. Not because it’s with Nicole Kidman. No. But it’s because that’s where I felt the essence or the dilemma of a migrant worker.
“Yung dilemma ni Essie na…alin ba ang pipiliin ko? Ang sarili kong pamilya? Should I go back to the Philippines and spend the rest of my life with my children and my apo?
Baka Bet Mo: Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?
“Or to spend the rest of my life with the family, my surrogate family that I’ve already established in Hong Kong? With the Woo family.
“So, du’n ipinakita yung… di ba, ganu’n naman ang mga ano, e. Kasi, nag-immerse din ako du’n sa mga domestics. Yun lagi ang dilemma nila. Dahil pag napalapit ka na du’n sa pamilya (mahirap magpaalam),” ang sabi ng veteran star.
“Favorite ko yun dahil in terms of acting experience, yun talaga, naranasan ko, at kung gaano ka-powerful ang isang Nicole Kidman. Okay.
“Nakatingin lang ako sa mata niya, e, kuhang-kuha ko. Nagpadala lang ako, ika nga, yung ganu’n.
“Kaya when people, after the premiere in New York, were congratulating me, ‘Oh you are very good in that scene!’ I would always tell them na, ‘No, it was Nicole.’
“Because it’s really her scene. Ang ginawa ko lang, nag-react lang ako sa kanya as the character. And everything came out so beautifully. Very heartwarming yung ano, pinakita, dalawang klase ng babae.
“Isang expat, isang migrant worker. Tapos kung paano yung conflict namin. Yung confrontation, I mean,” aniya pa.
Kuwento pa ni Ruby, after kunan ang emotional scene nila ni Nicole para sa Episode 5, sinabihan daw siya ng Hollywood star ng, “You are so good, blah-blah-blah-blah!”
“Parang thought balloon ko, ‘Echosera din itong si Nicole. E, siya nga itong ang galing-galing. Sobra talaga! Ang galing!’ Yung parang ano, tuod ka na lang pag hindi ka nadala with the way she carried the scene.
“I mean, ang galing talaga! Yung sobrang powerful! And I was just looking into her eyes. So after nu’n, sabi niya, ‘How do you feel about the scene?’ Sabi ko, ‘My God! Thank you.’ Sabi niyang ganu’n, ‘You are the one.’ ‘No, you are the one.’ ‘You are the one,’ hawak-hawak niya yung kamay ko, ‘We have chemistry, Ruby.’ Ganu’n.
“Tapos sabi ko, ‘I have one question,’ nakatingin pa rin ako sa kanyang ganyan. ‘What is it?’ Akala niya siguro, kung ano ang ire-request ko. ‘Are you wearing contact lenses?’
“Di ba? Ang ganda ng mata niya, parang napakanatural. ‘No!’ tapos tinap niya yung mata niya, ‘Why did you ask?’ ‘Because you know in our country, our lead actors, they usually change their colors.’ Ha-hahaha! Ikinuwento ko, those are what we do.
“Her eyes as an actress, that’s really her asset. Kasi talagang nagsasalita kahit walang linya. And you feel her energy. And ang dami kong natutunan sa kanya bilang artista.”
Streaming na sa Prime Video ang Episode 1 (The Peak) at Episode 2 (Mongkok) ng “Expats”. Ang Episodes 3 and 4 naman ay mapapanood sa February 16. May anim na episodes ang “Expats” na kinunan sa Hong Kong at Los Angeles, California.
Bukod kina kina Nicole at Ruby, kasama rin sa cast sina Sarayu Blue, Ji-young Yoo, Brian Tee, Tiana Gowen, Bodhi del Rosario, Amelyn Pardenilla, at Jack Huston.