Ruby Ruiz huli sa akto ni Nicole Kidman na ‘nagsa-Sharon’ sa shooting ng ‘Expats’
“BAKLA rin siya! Napakabait at natural na tao.” Ganyan inilarawan ng international Filipino actress na si Ruby Ruiz ang Hollywood star na si Nicole Kidman.
Kasama ang veteran actress sa bagong limited series ni Nicole Kidman na “Expats” na napapanood ngayon sa Prime Video at in fairness, malaki ang role ni Ruby sa nasabing project.
Gumaganap si Ruby rito bilang OFW at Pinay yaya ng mga anak ng karakter ni Nicole kaya naman marami silang mga eksena together.
Nagkaroon kami ng chance na makachikahan si Ruby kahapon sa presscon na ibinigay sa kanya ng Cornerstone Entertainment pagkauwi niya galing sa Amerika kung saan nagkaroon ng world premiere ang “Expats.”
Tinanong ng press ang aktres kung kumusta si Nicole bilang katrabaho, “Bakla rin siya. She’s very considerate at mararamdaman mo yun. She will try to make you feel at ease. Marami akong anecdotes during first day of shoot.
“Dati pinagtabi yung working chair namin. Ayoko umupo roon. Kais nosebleed pero doon talaga ako pinaupo siguro to establish rapport.
Baka Bet Mo: Ruby Ruiz nakasama si Nicole Kidman sa premiere night ng ‘Expats’ sa US
View this post on Instagram
“She’s conscious of that. She would strike up some small conversations to make you feel relaxed. Sabi ko nga noon, ‘What? Pardon?’ Her accent is very Australian,” pagbabahagi ni Ruby.
“But she’s very friendly and warm. On the set, naka standby lang kami. Kapag nakita na niya ako, yayakapin na niya ako. ‘Oh, Ruby’s here!’ Naaaliw siya sa akin hindi ko alam kung bakit?’
“One time tinanong niya ako, ‘What did you do yesterday? It was our free day.’ Parang nabigla ako. Hindi ako prepared. Baka may itanong siya sa akin about the Philippines. So what did you do yesterday?
“Sabi ko, ‘Ah, I did my laundry.’ Sabi niya, ‘The whole day?’ Sabi ko, ‘Oh yes, I was fascinated by your washing machine here. With one click, it’s already dry.’ So natutuwa siya sa akin sa mga ganu’ng moment,” chika pa niya.
Generous din daw ang Hollywood actress hindi lang sa kanya kundi maging sa lahat ng production staff.
“Pero hindi ako nagpatalo dahil binigyan ko siya ng pandesal. Meron doong eksena na ayaw ng mga bata yung dinner buns. Sabi ko, ‘You want pandesal?’ Sab ni Nicole, ‘What’s pandesal?’
“Nag-Google sila. Let’s ask Ruby, ‘What’s pandesal?’ I explained it. Sabi ko, ‘You can eat it for breakfast, but you can eat it anytime. It’s like a dinner bun. Sabi niya, ‘Is it sweet?’ Ang dami niyang Q&A (tungkol sa pandesal). So nag-order tayo ng pinakamasarap na pandesal! Siyempre hindi naman tayo papahuli. Noong natikman nila, gustong-gusto nila.
“Very generous si Nicole hindi lang sa akin but to everyone. Natutuwa siya sa akin kaya may mga gift akong natatanggap sa kanya.
“Dati nagpadala rin siya ng isang kiosk ng bread sa set. Sabi niya, ‘Hey have you tasted it?’ So ikukuha ka ng PA. Sabi ko, ‘I want to line up.’ Doon kasi pag-artista ka, puwede mong iutos lahat,” dagdag pa niya.
May pagkakataon daw na nahuhuli siya ni Nicole na nagsa-Sharon Cuneta (nagbabalot o nag-uuwi ng pagkain mula sa set).
“May maliit ako na tote bag na may laman kung anu-ano like candies, chips, chocolates. Lagi niya akong nahuhuli (nagte-takeout). Pero kikindat lang siya.
“Noong una niya akong tinawag sa set, dahil pakalat kalat ako, sabi niya, ‘Hey Ruby! Yes, it’s you!’ Hindi kasi ako makapaniwala. Ang trato kasi nila kapantay ka lang nila. They really treat you equally. I think that’s important for the actors. Sobra ang respect nila.
“Sabi ni Nicole, ‘Thank you for accepting this role. We know that you are an actress in the Philippines.’ Sabi ko sa sarili ko, ”Di ba dapat ako ang magpasalamat?’ Pero sabi ko, ‘Thank you for the role of Essie. It’s a once-in-a-lifetime experience,” tuluy-tuloy pang pahayag ni Ruby.
Binigyang-diin din ng beteranang aktres na wala siyang naging isyu sa naging treatment sa kanya doon bilang isang Pinay.
“Bawal sa set namin ang racists. Iba’t ibang nations kami. May Koreans, Indians, Filipinos. Even the staff came from all over the world.
“Our female cinematographer came from Spain. Our assistant director is from Australia, so we have Australian actors. May mga Chinese. So kailangan talaga pantay-pantay ang treatment,” aniya pa.
Streaming na ngayon ang “Expats” sa Prime Video, mula sa direksyon ni Lulu Wang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.