TUNAY na isang child prodigy si Jillian Ward.
Discovered in a toddler milk commercial, news agad ang pagpasok niya sa GMA noon dahil instead of an announced project na pagbibidahan sana nina Maxene Magalona at Mike Tan, her title-role show was segued instead, ang Trudis Liit.
Phenomenal ang Sine Novela ni Jillian dahil tinalo nitong lahat ang nakatapat na soap pati na rin ang Pilipinas Win Na Win. Nearing its ending now in two weeks, gagawa na rin siya ng pelikula for MMFF at may kasunod na rin siyang project, ang Captain Barbell redux ni Richard Gutierrez.
Sa set ng Trudis Liit on its second to the last day of taping, go kami sa Tagaytay para makipagchikahan sa bagets na nakakagulat ang vocabulary and even her way of answering questions.
BANDERA: Sikat ka na ba?
Jillian Ward: Opo naman.
B: Paano mo nalaman?
JW: Pag lumalabas po ako, nagdi-disguise po ako pero nakikilala pa rin ako. Naglalakad po ako nang naka-jacket saka hat pero tinatawag pa rin po nila ako.
B: Paano ka nakikilala?
JW: Pag nagsalita na raw ako. Kilala nila ang boses ko.
B: Paano ‘yan, ano ang ginagawa mo? Pumipirma ka ba ng autograph?
JW: Opo.
B: Marunong ka na bang magsulat?
JW: Sinusulat ko po pangalan ko tapos nagdu-drawing ako ng face ko.
B: Kung sikat ka na, di mayaman ka na?
JW: (Nagtanong muna sa kanyang mommy) Mayaman na ba tayo mommy? (Sumagot ng hindi ang nanay) Pero may bago na kaming bahay. Sa New York Mansion sa Cubao, may swimming pool at may parking space para sa car naming Mitsubishi Fusion (yes, nasabi niya ang full address pati floor at ang type ng kotse nila).
B: Matatapos na ang Trudis Liit. Ano ang mami-miss mo?
JW: Silang lahat po.
B: Uy showbiz ka na, ha! Pero may gagawin ka nang pelikula `no?
JW: Opo, Agimat Ni Enteng. Ako po doon si Bebeng, makulit at madaldal.
B: Di parang Trudis Liit din?
JW: Hindi po, dito po mabait ako.
B: Sabi nila, gusto mo raw magkaroon ng Best Child
Actress award?
JW: Opo kasi po sabi sa akin ni tito Joebar (Joe Barrameda, ang manager niya) pag nanalo po ako pupunta kami sa America.
B: Wow! Paano pag di ka nanalo?
JW: Okay lang yun.
B: Meron ka na raw
I-Pad?
JW: Opo binigay po sa akin ni Tito Joebar. Tapos ngayon binili ako ng flat TV.
B: Wow! Ang dami na palang nabibigay sa iyo ng manager mo. Si Senator Bong (Revilla, co-star niya sa Agimat Ni Enteng) ano na ang naibigay sa iyo?
JW: Pastillas at palabok.
B: Buntis na raw ang mommy mo?
JW: Puwede na po bang isulat ’yun?
B: Ikaw din ang nagsabi nito sa isa mong interview, eh.
JW: Opo, lalaki raw po.
B: Paano mo nalamang lalaki?
JW: Parang boy daw kasi patusok hindi palapad.
B: Paano mo nalalaman lahat ito?
JW: Narinig ko si daddy, sinasabi niya kay mommy.
B: Magiging artista rin ba siya? Paano pag mas sumikat sa iyo.
JW: Okay lang po masaya ako.
B: O sige, iba naman. Ano ang favorite color mo?
JW: Pink, blue, green.
B: Food, ano ang gusto mong kainin?
JW: California maki shrimp. Saka egg, hamburger saka gulay. (Tanong sa mommy kung ano ang paborito niyang gulay) Broccoli. That’s my favorite.
B: Pinapalo ka ba ng mommy mo?
JW: Minsan po ‘pag makulit ako. Sa puwet.
B: Dinadramahan mo ba siya?
JW: Opo, sinasabi ko po, ‘Tama na po, huwag na po.’ (doing her Trudis Liit dialogues and acting).
B: Galing naman, sige kanta ka na lang ulit ng favorite song mo, yung Tomorrow.
JW: Ayoko na po, sawa na po ako.
Bandera, Philippine Entertainment news, 101110
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.