Sofia nagbabala sa fake FB account na nakapangalan sa kanya

Sofia Andres nabiktima rin ng sindikato sa socmed, fake FB account buking

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 07:52 AM

Sofia Andres nagbabala sa pekeng FB account na nakapangalan sa kanya

Sofia Andres

BINALAAN ng aktres at celebrity mom na si Sofia Andres ang publiko kaugnay ng isang Facebook page na gumagamit sa kanyang pangalan at mga litrato.

Paalala ni Sofia sa lahat, huwag daw basta-basta magtiwala at maniwala sa lahat ng nababasa at napapanood sa social media dahil napakarami nang sindikatong naglipana ngayon.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Sofia ang screenshot ng fake FB account na nakapangalan sa kanya at meron nang 590,000 followers.

Ang tanging caption na inilagay ni Sofia sa kanyang IG post ay, “Not meeee.”

Baka Bet Mo: Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Isa lamang si Sofia sa mga kilalang celebrities na nabiktima ng mga taong gumagawa ng mga pekeng account sa iba’t ibang platforms para makapangloko ng tao.

Sa pagkakatanda namin, nabiktima rin ng sindikato sa socmed ang Kapuso star na si Carla Abellana kung saan ginamit ang mga litrato niya sa isang fake ad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Babala noon ni Carla, “Hello, everyone! Please be advised that I do not, never did, and never will use this brand and these products with ads circulating all over social media, particularly on FB.

“This is false advertisement and the page owner has ignored my personal request to remove the ad. I can now proceed to take legal actions against them,” paalala ng aktres.

Baka Bet Mo: #SanaAll: Sofia Andres ipagagawa na ang dream house para sa pamilya

Isa pang nabiktima ng fake account sa Instagram ay ang singer-actor na si Ronnie Liang kung saan ginamit ang pangalan niya para makapag-solicit ng pera.

“I have received reports that this ig account is sending private messages, asking for money, and inviting people for meet-ups. Please be informed that it is an IMPOSTOR and FAKE account.

“I only have one official Instagram account, so if you ever receive private messages from this ronnieliang22 account, please ignore, block, or report them,” warning ni Ronnie sa publiko.

Nadismaya rin ang dating PBA player na si Marc Pingris nang malamang may poser siya sa Facebook at ginamit ang kanyang pangalan para makabenta ng sapatos.

“MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA NILOLOKO NYO!!!! GAGAMITIN NYO PA PAMILYA KO PARA MAKABENTA KAYO NG SAPATOS NYO!! TITAN PO LAHAT NAG BIGAY NG SAPATOS KO !!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“AT ISA PA WALA AKO FACEBOOK!! IG LANG MERON AKO AT WALA AKO KILALA NA MARCUZ SEBASTIAN DE MESA AT RICHARD UMALI!!! MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA TAO!!!! pls share nyo naman to sa facebook.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending