Maine, EB ginagamit ng sindikato sa FB: Maging alerto at maingat po tayo! | Bandera

Maine, EB ginagamit ng sindikato sa FB: Maging alerto at maingat po tayo!

Ervin Santiago - April 08, 2020 - 07:11 PM

MAINE MENDOZA

BINALAAN ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang publiko na mag-ingat sa mga sindikatong naglipana ngayon sa social media.

Nakarating sa TV host-actress na isang pekeng Facebook page na nakapangalan sa kanya ang nagpapakalat ng fake news at false information tungkol sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Ngayong araw, may ipinost na special announcement ang fake FB account tungkol sa umano’y raffle promo kung saan 100 Kapuso viewers daw ang mananalo.

Ang lalo pang delikado rito ay ang paghingi ng “sensitive information” mula sa mga netizens kabilang na ang pangalan at cellphone number.

Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, ipinaalam ni Maine sa publiko at sa lahat ng Dabarkads na walang katotohanan ang nasabing raffle promo at peke rin ang FB account na nakapangalan sa kanya.

“Mga dabarkads, wala pong katotohanan ito. Hindi din po ako ang may hawak ng account na iyan, ito lamang po ang aking Facebook page.

“Huwag po agad-agad maniwala sa mga nababasa at nakikita online, lalo na sa Facebook.

“Sa panahon ngayon, tiyak na marami pa din ang mananamantala. Maging alerto at maingat po tayo palagi,” paalala ni Maine.

Kamakailan ay inilunsad ng Dubsmash Queen ang DoNation drive para makalikom ng donasyon para makapag-abot ng tulong sa lahat ng apektado ng  enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Umabot sa mahigit P587 million ang nakolekta ng fundraising campaign ni Maine sa loob lang ng pitong araw at diretsong ipinamahagi ng team ni Maine sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending