Heart nawalan ng endorsements noon dahil sa ex-glam team?
IBINALITA ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload kahapon na may mga nawalang product endorsements si Heart Evangelista.
Base sa kuwento ng kilalang content creator/actor/talent manager ay may mga umatras na ahente para kunin ang aktres dahil sa mataas na singil ng kanyang glam team na hindi na niya kasama ngayon.
Nabanggit kasi ni Ogie na naglabas ng sama ng loob si Heart sa kanyang vlog na kinukuwestiyon ang mga taong nakasamaan niya ng loob.
“Sa mga panahong naalala ni Heart, ‘wala ba akong nagawang kabutihan sa inyo? Bakit n’yo ako ginaganito? Nu’ng panahong ako’y kinukuha para sa isang endorsement tapos kayo (glam team) ang nire-refer ko bilang maging kasama ko (sabay pakita sa video ang larawang magkakasama sila ng grupo) sa entourage tapos kokontakin kayo (glam team). Babalikan na lang ako ng hindi namin makuha ‘yung glam team mo dahil ang mahal-mahal.”
Nagbigay ng halimbawa si Ogie na mahal ang singil ng make-up artist na aabot sa P500,000. Ang singil naman ni hair P500,000. Parang nag-uusap daw ‘yung glam team na ‘taasan natin ang singil tutal hindi naman sila makakapalag kay Heart.’
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Heart Evangelista may nakakaintrigang cryptic post, may pinapatamaan ba?
“Ang ending umaaray daw ‘yung mga ahente na ang taas-taas (talent fee). Paano namin kukunin ‘yung glam team? Ang kaigihan daw dito kay Heart ay ipinaglalaban niya itong glam team niya kaya ang ending ‘yung mismong endorsement nawala dahil nga sa taas ng fee na sinisingil daw nu’ng glam team,” kuwento ni Ogie.
Hindi lang pala si Heart ang nagkaroon ng ganitong problema dahil maski raw si Liza Soberano na noo’y mina-manage pa ni Ogie ay kinausap nito ang glam team ng alaga.
“Actually may instances na noong hawak ko pa si Liza ay talagang juma-jack up (tumataas) ‘yung iba.
“Kaya ako nakikiusap do’n sa glam team (ni Liza), na babaan n’yo naman para at least hindi na ito maging bato. Kaya sabi ko imbes na may kikitain, in fairness naman sa glam team ni Liza marunong pakiusapan. Kapag nakiusap ako, (sabi ng glam team), “tito Ogie ikaw na ang bahala alam mo naman ‘yung para sa amin, hindi kami malulugi,” paliwanag ni Ogie.
Sabay banggit ng glam team na sina Ricky Sy, Perry Tabora (stylist) at Juan Sarte ay mahusay daw mga kausap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.