Kathryn Bernardo tinupad ang pangako sa ABS-CBN

Kathryn tinupad ang pangako sa ABS-CBN: Mahal ko ‘yung kumpanya

Therese Arceo |February 02,2024
facebook
share this

Kathryn tinupad ang pangako sa ABS-CBN: Mahal ko ‘yung kumpanya

Therese Arceo - February 02, 2024 - 10:33 PM

Kathryn Bernardo tinupad ang pangako sa ABS-CBN: Mahal ko sobra ang kumpanya

HINDI napigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang maging emosyonal nang mag-renew siyang muli ng exclusive contract sa Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ngayong araw, February 2, winakasan na ng dalaga ang bulung-bulungan na diumano’y iiwan na niya ang Kapamilya network kasunod ng paghihiwalay nila ng kanyang ka-love team at ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

At bilang pagbibigay suporta kay Kathryn ay present ang lahat ng mga big boss ng ABS-CBN.

Dumalo sa kanyang contract signing sina Chief Executive Officer and President Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, Head of Star Magic and Entertainment Production Laurenti Dyogi, Head of Star Magic Marketing and Senior Talent Manager Alan Real, Chief Finance Officer Rick Tan, Head of ABS-CBN Films Kriz Gazmen.

Pagbabahagi ni Kathryn, malaki ang kanyang utang na loob sa ABS-CBN na itinuring na niyang pangalawang tahanan at siyang naging daan para matupad niya ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Aniya, nangako daw siya noon na hindi niya iiwan ang Kapamilya network noong may mabigat itong pinagdaraanan.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo Kapamilya pa rin, magre-renew ng kontrata sa Star Magic

“I remember in 2020, I made a promise. Sinabi ko sa ABS-CBN na, ‘Hindi kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit.’ And today, here I am, fulfilling that promise,” lahad ni Kathryn.

Pagpapatuloy niya, “Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko, e — mahal ko sobra yung kompanya. Together, we will rise despite all the challenges, we’ll be stronger and even better.”

Nagpasalamat rin si Kathryn sa mga taong nakasama, naniwala, at nagmahal sa kanya sa loob ng dalawang dekada niya sa showbiz.

“To my bosses, you’re like a family to me, and my friends. Itong signing ng contract na ito [ang dahilan] is because I trusted you more than anybody when it comes to work.

“I’m signing this contract to seal the friendship. Hindi ako mag-i-stay dito sa ABS-CBN kung wala kayo. Malaking parte sila kung bakit ako nandito,” sinserong sabi ni Kathryn.

Aniya, hindi niya kakayanin ang payapang makatulog sa gabi knowing na iniwan niya ang mga taong naniwala sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s my appreciation because ang hirap dito sa industry na to, e, these people, grabe, sinuportahan nila ako.

“Kaya thank you for making time to know me, understand me, and thank you for supporting my decisions in everything that I do,” pagpapatuloy ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending