ABS-CBN, Star Magic may pahayag sa hiwalayang KathNiel

ABS-CBN, Star Magic sa hiwalayang KathNiel: ‘Huwag na gawan ng kwento at fake news’

Pauline del Rosario |December 03,2023
facebook
share this

ABS-CBN, Star Magic sa hiwalayang KathNiel: ‘Huwag na gawan ng kwento at fake news’

Pauline del Rosario - December 03, 2023 - 08:22 AM

ABS-CBN, Star Magic sa hiwalayang KathNiel: ‘Huwag na gawan ng kwento at fake news’

PHOTO: Instagram/@bernardokath

NAGLABAS na ng pahayag ang ABS-CBN at talent management arm nito na Star Magic patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Base sa statement, nirerespeto at nauunawaan nila ang naging desisyon ng dating mag-dyowa.

Pakiusap pa nila sa publiko ay huwag nang magkalat ng maling impormasyon tungkol sa nangyari.

“Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news,” saad sa pahayag.

Patuloy pa, “Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.”

“Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on,” panawagan din nila.

Baka Bet Mo: Mga abogado nina Kathryn at Daniel nag-uusap na, bawian na nga ba ng investment?

Tiniyak din ng dalawang management na kahit winakasan na ng dalawa ang kanilang relasyon ay patuloy pa rin nilang susuportahan sila.

“Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN management at Star Magic kina Kathryn at Daniel,” anila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Magugunita noong November 30 nang kinumpirma ni Kathryn ang matagal nang usap-usapang break na sila ni DJ matapos ang 11 years nilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang binanggit ang award-winning actress kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay ni Daniel, ngunit nadadawit sa isyu ang Kapamilya young star na si Andrea Brillantes.

Matatandaang naibalita noon ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na ayon sa kanyang source ay patagong nagkikita si DJ at Blythe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending