Willie basag kay Cristy, hindi raw iboboto pag tumakbong senador

Willie basag kay Cristy Fermin, hindi raw iboboto pag tumakbong senador

Ervin Santiago |January 31,2024
facebook
share this

Willie basag kay Cristy Fermin, hindi raw iboboto pag tumakbong senador

Ervin Santiago - January 31, 2024 - 12:05 AM

Willie basag kay Cristy Fermin, hindi raw iboboto pag tumakbong senador

Cristy Fermin at Willie Revillame

KUNG itutuloy ni Willie Revillame ang pagtakbong senador sa 2025, mukhang wala siya sa magiging listahan ng TV-radio host na si Cristy Fermin.

Binasag agad ng veteran entertainment columnist ang plano ng veteran TV host na kumandidato sa senatorial elections sa susunod na taon.

Present si Willie sa naganap na prayer rally sa Davao City last Sunday, January 28, at dito nga niya ibinandera ang plano niyang pagtakbo sa pagkasenador sa 2025.

Matatandaang tinanggihan ng TV host ang naturang posisyon noong 2022 nang alukin siyang kumandidato nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.

Baka Bet Mo: Kris Bernal itutuloy na ang kasal ngayong September: This may not be my dream wedding but…

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute”, kinuwestiyon ng veteran showbiz columnist ang sinasabi ni Willie na kusang-loob ang ginagawa niyang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Siya raw mismo ang makapagpapatunay na hindi ito totoo ito dahil siya raw mismo ay nakaranas ng panunumbat ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)


Ang tinutukoy ni Nanay Cristy ay ang naging isyu sa kanila noon ni Willie kung saan ipinamukha umano nito ang ginawang pagtulong sa kanya.

At dahil dito, isinauli na lang ng TV host ang mga ibinigay sa kanya ni Willie, kabilang na ang isang condo unit.

Baka Bet Mo: Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…

Nagwo-worry din daw ang premyadong kolumnista na baka maging sunud-sunuran lang si Willie sa mga ididikta sa kanya ni dating Pangulong Duterte.

“Public servant ka. Ikaw ang dapat na gumawa ng paraan para magserbisyo-publiko ka. Nakakatakot lang ito,” ang punto ni Nanay Cristy.

Aniya pa, masyado pang maaga para magdeklara ng pagtakbo sa susunod na eleksyon.

“Kaya sa akin, kung tatakbo siyang senador, sa pipiliin ko, wala ang pangalan ni Willie Revillame,” ang sabi ni Nanay Cristy.

Napansin din ni Nanay Cristy ang itsura ng TV host sa naganap na prayer rally sa Davao City. “Ang laki ng itinanda, oh! Tingnan mo itsura, oh. Ang laki-laki ng itinanda niya, ‘di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang pahayag si Willie sa mga naging patutsada sa kanya ni Nanay Cristy. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ng TV host hinggil dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending