SHOWBIZ WRAPPED: Hindi invited si Daniel, Brandagulan sa Showtime and more!

CHIKA WRAPPED: Hindi invited si Daniel, ‘Brandagulan’ sa Showtime and more!

Dominic Roque and Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, Anne Curtis

PANIBAGONG linggo, panibagong chika! Ngunit knows niyo bang last week ay punumpuno ng pang-iintriga ang showbiz world? Mula sa hindi pag-invite kay Daniel Padilla hanggang sa ‘brandagulan’ sa It’s Showtime, sure na sure na busog-lusog ang mga Marites ng bayan.

Narito ang Top 7 Pasabog na Chika na bumandera all over the universe nitong January 21 hanggang January 27, 2024!

Baka Bet Mo: Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

#7: Caregiver ni Robert Alejandro ‘sinimot’ ang kanyang P3M life savings

NAGBIGAY babala ang former TV host-graphic artist na si Robert Alejandro ukol sa kanyang caregiver na walang-awang nilimas ang kanyang life savings na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Ang malungkot na balita ay ibinandera mismo ni Alejandro sa kanyang social media account.

#6: Anne Curtis sinupalpal ang netizen na umepal sa pagpo-post niya ng P.A. sa IG

HINDI pinalagpas ng “It’s Showtime” host na si Anne Curtis ang komento ng isang netizen hinggil sa kanyang personal assitant na si Maryann Ontay.

“Happy Birthday po!! Pero suggest ko lang you can post it nalang sa story ung birthday greetings instead IG post, since hindi po bagay sa IG feed niyo po,” saad ng netizen.

May respetong sinagot naman ni Anne ang comment ng netizen at sinabing pamilya na para sa kanya si Maryann.

#5: Kahit may sakit, Kris nagreto ng lalaki kay Carla: We have a doctor friend

NAPAKARAMING nagkomento sa Instagram post ni Kris Aquino kung saan nagbigay nga siya ng updates about her health condition.

Isa sa mga celebrities na nagkomento sa IG post ni Kris ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana. “Prayers for you Ms. Kris,” message ni Carla.

Ang reply sa kanya ni Kris, “If you’re already in the process of getting annulled, we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”

#4: Pauleen isinilang na ang 2nd baby nila ni Vic, tinawag nilang Mochi Girl

NANGANAK na ang aktres at TV host na si Pauleen Luna sa ikalawang baby nila ni Bossing Vic Sotto.

Dakong 7 a.m. nitong January 23, isinilang ni Pauleen ang kanilang second baby girl na tinawag niyang Baby Mochi.

Baka Bet Mo: High-end store ni Daniel Padilla sa QC magsasara na umano, ayon kay Ogie Diaz

#3: Bimby kailangan nang mag-work para sa medical bills ni Kris Aquino, true ba?

PHOTO: Instagram/@krisaquino

MATAPOS ang kanyang health update, sinabi ng Queen of All Media na si Kris Aquino na uuwi na ng Pilipinas ang bunso niyang anak na si Bimby sa susunod na buwan.

Ibinunyag ni Kris na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil tumataas na ang bills niya sa pagpapagamot.

#2: Anne baka mawalan ng kontrata dahil kay Vice: Sorry po, hindi ko sinasadya

DINOGSHOW ni Vice Ganda si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang dare.

“Sabihin mo nga, ‘Nice, ganda,’” ang sey ni Vice kay Anne. Inulit naman ito ng aktres at huli na nang ma-realize niya na ang mga katagang “Nice Ganda” ay ang tagline na ine-endorse ni Vice na fried chicken para sa isang fast food chain.

Nag-sorry naman si Vice sa nangyaring ‘brandagulan’ matapos maging pulutan sa social media.

#1: Kathryn imbitado sa kasal nina Dominic at Bea, Daniel etsapwera

NABANGGIT ni Dominic Roque na totoong invited ang ex-girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo sa wedding nila ni Bea Alonzo na inaasahang mangyayari this year.

Paliwanag ni Dominic kung bakit si Kathryn pa lamang ang imbitado sa kasal nila ni Bea, “Oo, kasi hindi pa naman kami okay ni DJ (Daniel).”

Samantala, kinakarir na raw nila ngayon ni Bea ang wedding preparation at nasa proseso pa rin ng pagkumpleto sa listahan ng kanilang principal sponsors at iba pang kasama sa entourage.

Read more...