Kahit may sakit, Kris nagreto ng lalaki kay Carla: We have a doctor friend
SA KABILA ng iniindang mga karamdaman, nakuha pa rin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na magpaka-kupido.
Napakaraming nagkomento sa latest Instagram post ni Kris kung saan nagbigay nga siya ng updates about her health condition.
Halos lahat ay nangakong ipagdarasal nila ang mabilis na paggaling ng TV host-actress na ibinalitang tinamaan na rin siya ng lupus.
Isa sa mga celebrities na nagkomento sa IG post ni Kris ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana. “Prayers for you Ms. Kris,” message ni Carla.
Baka Bet Mo: Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit, bwelta niya: ‘Nakakaawa kayo, mga walang alam!’
Ang reply sa kanya ni Kris, “If you’re already in the process of getting annulled, we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”
“Great matchmaker talaga si MK kahit noon pa. Love love love,” ang comment ng isang IG user.
View this post on Instagram
Alam naman ng lahat na “single” ngayon si Carla dahil matagal-tagal na rin silang hiway ng dati niyang husband na si Tom Rodriguez.
Baka Bet Mo: Kris tuloy pa rin ang pagpapagamot: Mahaba pa ang laban, my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School…
Noong 2022 ay in-announce ni Tom na divorced na sila ni Carla pero kailangan pa rin nilang ipa-annull ang kasal nila dito sa Pilipinas.
Kung matatandaan, sa panayam ng press kay Carla last year, sinabi niyang wala pa sa isip niya ang pumasok sa bagong relationship at naka-move on na siya sa breakup nila ni Tom.
“Oo naman po, definitely po. Nabanggit ko po kanina, nahanap ko na po ‘yung aking peace.
“Talagang nasara ko na po ‘yung chapter na ‘yun ng aking buhay. Lagpas-lagpas pa po ako sa pagmu-move on, ‘yung ganu’n.
“So masayang-masaya po ako, definitely, masaya po ako kung nasaan ako sa buhay ko ngayon,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.