Caregiver ni Robert Alejandro inubos ang kanyang P3M life savings

Caregiver ni Robert Alejandro ‘sinimot’ ang kanyang P3M life savings

Khristine Royo - January 23, 2024 - 08:08 PM

Robert Alejandro

Robert Alejandro

NAGBIGAY babala ang former TV host-graphic artist na si Robert Alejandro ukol sa kanyang caregiver na walang awang nilimas ang kanyang life saving na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Ang malungkot na balita ay ibinandera mismo ni Alejandro sa kanyang social media account.

“BABALA SA PUBLIKO: Protektahan po natin ang ating mga mahal sa buhay,” panimula nito sa kanyang post.

Ipinost din ni Robert ang larawan ng kanyang caregiver na nagngangalang Deo E. Angeles kung saan inalagaan siya nito habang nilalabanan niya ang terminal colon cancer.

“At that time, kinailangan ko na ng caregiver kasi maraming kailangang gawin sa mga tubo nga. So, meron kaming doctor na kakilala, ni-recommend ‘yung isang caregiver pangalan niya si Deo, so siyempre, wala kaming kamalay-malay, tiwala kami,” pagbabahagi ni Alejandro sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN News.

Wala siyang kamalay-malay na sa loob ng dalawang buwan, nabuksan na umano ni Angeles ang kanyang cellphone at nasimot na ang pera sa bangko.

Baka Bet Mo: Hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto fake news, naglabas ng resibo

At nitong December 17, nakatanggap na ang tanyag na artist ng notification na mayroon siyang binayarang online transaction.

Ani Robert, “Nagka-notification ako sa phone na mayroon daw akong binili from Amazon, eh wala naman akong ginawang ganon. So, tumawag ako kaagad sa bangko ko.”

Dito na natuklasan ng pamilya ni Alejandro na halos P3 milyong na ang nawawala sa kanyang account.
Ang tanging may sala lang ay ang caregiver niya na naka-access umano sa kanyang phone.

Ayon naman sa imbestigasyon ng mga pulis, dalawang account ang pinag-sendan ng pera mula sa bank account ng dating TV host.

Napag-alaman ding ipinapasa ang mga life savings ni Alejandro sa e-sabong account ng mapagsamantalang caregiver.

Agad sinampahan ng kasong qualified theft ang suspect sa piskalya noong December 20.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung may iba pang kasabwat ang nasabing caregiver.

Para sa mga hindi masyadong aware, si Alejandro ay isang artist at production designer ng sikat na stationary at eco-friendly gift shop na Papemelroti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robert Alejandro

Robert Alejandro. Facebook Photo by Noli Mendoza

Nagsilbing host din siya sa “Art is-Kool” ng GMA-7 noong 2002.

Sa kabila ng walong taon diagnosis ni Alejandro sa colon cancer, patuloy siyang gumagawa ng workshops at nagbibigay inspirasyon sa iba’t ibang museo at paaralan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending