MTRCB muling ibinasura ang Motions for Reconsideration ng SMNI

MTRCB muling ibinasura ang Motions for Reconsideration ng SMNI

Reggee Bonoan - January 26, 2024 - 10:14 PM

MTRCB muling ibinasura ang Motions for Reconsideration ng SMNI

MTRCB logo

MULING ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hiling na Motions for Reconsideration ng SMNI.

Ipinagdiinan ng nasabing ahensya ng gobyerno ang desisyon nitong suspendihin ang mga palabas sa telebisyon ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan.”

Ang unang pasya ng MTRCB na suspendihin ang dalawang programa ay bunsod ng mga reklamo na natanggap ng Ahensiya hinggil sa alegasyong paggamit ng mga death threat at masasamang salita ng isang host sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa” noong ika-10 ng Oktubre 2023.

Binalaan din ng MTRCB ang sa SMNI na anumang katulad na paglabag ay mabibigyan ng mas mabigat na parusa–bilalng pagtalima sa dedikasyon ng Board sa patas at makatarungang pagdinig.

Mahigit isang buwan matapos ibasura ng MTRCB ang kaso, nakatanggap muli ang Ahensiya ng mga reklamo laban sa mga nasabing mga palabas noong ika-13 ng Disyembre 2023, matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers na isinabmit ng mga respondents, nagpasya ang MTRCB na ipatupad ang preventive suspension na labing-apat (14) na araw para sa parehong programa.

Baka Bet Mo: MTRCB sinuspinde ang 2 shows ng SMNI, kasama ang programa ni Duterte

Ang pasyang ito ay kasunod sa naunang babala ng naturang ahensiya at naglingkod bilang proaktib na hakbang na layuning matugunan ang mga alalahanin at tiyakin ang pagsunod sa itinakdang pamantayan ng P.D. No. 1986.

Matapos ang masusing pagsusuri ng mga argumento at ng position papers mula sa mga respondents ay napag-alaman na ang dalawang programa ay lumabag sa Presidential Decree No. 1986 at ang Implementing Rules and Regulations nito.

“Ang mandato ng MTRCB ay protektahan ang mga manonood mula sa hindi angkop na mga panoorin, lalo na sa Telebisyon kung saan ang lahat ay may malayang access. Batay sa mga prinsipyo ng tamang proseso at katarungan, matibay ang aming paninindigan na ipatupad ang aming pananagutan sa regulasyon ng content ng media,” sabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

Batid ng Board na ang mga katwiran ng mga respondents ay hindi kapani-paniwala at hindi kumbinsing. Dahil diyan, pinalawig ng MTRCB ang suspensiyon sa dalawampu’t-walong (28) araw, mula sa orihinal na labing-apat (14) na araw na preventive suspension.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong ika-11 ng Enero 2024, nagsumite ang mga respondents ng mga MR. Matapos ang maingat na pagsusuri ng mga isinumiteng mga mosyon, ibinasura ng MTRCB ang mga MR sa dahilang inulit lamang nila ang mga nauna nilang argumento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending