Magkaibigan nagkasiraan dahil sa P5k, pinag-ayos ng ‘CIA with BA’
“IT’S difficult to do but let’s all try to tame our tongue.”
Ito ang mga salitang binitiwan ni Sen. Alan Peter Cayetano, kasama ang kapatid na si Sen. Pia at co-host na si Boy Abunda sa episode ng “CIA with BA” last Sunday, January 21.
Sa segment na “Case 2 Face”, inireklamo ni Annaliza Dinquil ang kumareng si Daisy Bon na pinautang niya ng P5,000.
Ayon kay Annaliza, pumayag siyang pautangin ang kaibigan dahil nakumbinsi siyang ito ay magkakaroon ng tubo o interes. Subalit hindi ito natupad ni Daisy dahil na rin sa iba pang utang at problemang pinansyal.
Mas lumala pa ang kanilang sitwasyon dahil sa mga paninira na binitiwan laban sa isa’t isa sa kanilang mga kapitbahay.
“Kung ang problema ay pera, ‘wag na magsalita ng iba na hindi tungkol do’n sa utang,” ayon may Sen. Alan. “Kung ang problema ay may nasaktan, ‘yun lang ang pag-usapan. ‘Pag dinagdagan mo, dagdag din ‘yung problema.”
Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’
Sa pagtatapos ng segment, humingi naman ng tawad si Daisy, mula kay Annaliza.
“Humihingi ako ng tawag sa’yo, sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa’yo. Pasensya na talaga,” aniya. “‘Yung utang, babayaran naman kita pero hindi ko masasabi sa ’yo kung kailan at anong araw dahil alam mong walang-wala ako ngayon.”
“Willing naman akong intindihin. Lagi naman kitang iniintindi. Dahil lang sa pera tuloy, ‘yung friendship nawawala,” sagot ni Annaliza kay Daisy.
“The earlier na ma-solve ang problema, the better. And then ‘yung nasa Bible, ‘Tame your tongue,’” reaksyon pa ni Alan sa sitwasyon ng dalawa.
Para naman kay Tito Boy, “I will build on what Kuya Alan said: ‘tame our tongue.’ Dahil the power of words, iingatan natin.”
Baka Bet Mo: Albie nag-sorry sa ‘super fat’ comment kay Andi; umaming may galit pa rin sa ex-GF
“Minsan ‘yung utang napapag-usapan, e. Pero pag nagbitaw ka ng mga salita na masasakit, ang hirap bawiin. Ika-nga, ang hirap pulutin ng mga salitang masakit na binitawan mo laban sa isang tao,” dagdag niya.
Nangako rin ang “CIA with BA” na magbibigay ng tulong para sa pang-araw-araw na kakailanganin nila.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.