Jhong Hilario inspirasyon ang pag-ayaw ng magulang sa ex-dyowa

Jhong Hilario inspirasyon ang pag-ayaw ng magulang sa ex-dyowa

Therese Arceo |January 18,2024
facebook
share this

Jhong Hilario inspirasyon ang pag-ayaw ng magulang sa ex-dyowa

Therese Arceo - January 18, 2024 - 12:17 PM

Jhong Hilario inspirasyon ang pag-ayaw ng magulang sa ex-dyowa

Jhong Hilario

MULING binalikan ng actor-politician na si Jhong Hilario ang isa sa mga masasakit na experiences niya noon sa pakikipagrelasyon.

Sa segment na “Expecially For You” ay ibinahagi niya ang isa sa kanyang mga naging break up experiences na sangkot ang kanyang mga magulang.

Pagkukuwento ni Jhong, nagkaroon siya ng kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang mga magulang.

Aminado siya na masakit para sa kanya ang hindi pag-approve ng kanyang mga magulang sa dating dyowa.

“Kasi sa’kin medyo masakit dahil magulang ’yung ano eh… nagsabi na ‘hiwalayan mo,'” pagbabahagi ni Jhong.

Aniya, mabuti na lang daw ay naging busy siya noong mga panahong ‘yun sa kanyang karera kaya hindi niya ito masyadong ininda.

Baka Bet Mo: Jhong Hilario naranasan ang malakas na lindol sa Japan, pamilya takot na takot

Bandera IG

“So… buti na lang busy ako that time sa Streetboys. [Tapos] kasama ko sila, nakaka-kwentuhan ko, so medyo okay,” lahad ni Jhong.

Pag-alala niya, parang hinamak ng magulang ang propesyon ng kasintahan noon.

Kahit ganoon ang nangyari ay ginawa naman itong inspirasyon ni Jhong para mas maging maayos ang career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi sabi sa’kin parang… ‘dancer lang yan eh, anong mapapala mo diyan?’ Pero okay lang. Ginawa kong inspirasyon ’yan,” pagbabahagi ng “It’s Showtime” host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending