Loisa, Ronnie gusto munang 'maghiwalay': Para mag-grow

Loisa, Ronnie gusto munang ‘maghiwalay’: Para mag-grow din kami

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Loisa, Ronnie gusto munang ‘maghiwalay’: Para mag-grow din kami

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 10:04 AM

Loisa, Ronnie gusto munang 'maghiwalay': Para mag-grow din kami

Ronnie Alonte at Loisa Andalio

KUNG mabibigyan ng chance, mas gusto sanang mag-explore at mag-try ng bago sa kani-kanilang career ang celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Okay na okay sa magdyowa ang mabigyan ng new projects ng ABS-CBN management na hindi sila ang magkasama at mag-partners.

Ayon kina Ronnie at Loisa, naniniwala sila na para rin ito sa kanilang career growth sa mundo ng showbiz bilang mga artista na uhaw na uhaw gumawa ng “something new and something fresh.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya ang wish nilang ngayong 2024 ay makagawa ng marami pang proyekto kung saan mas matsa-challenge sila as individual artists.

Napapanood ngayon ang tambalang LoiNie sa hit Kapamilya drama series na “Pira-Pirasong Paraiso” na malapit nang magtapos. In fairness, puring-puri ng mga manonood ang dalawa dahil sa level-up nilang aktingan sa programa.

Baka Bet Mo: Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinigurong walang inggitan at kumpetisyon, nagsumpaan na hindi mag-aaway-away

Sa naganap na finale mediacon ng serye kahapon, January 17, ay natanong nga ang magdyowa kung ano na ang susunod na projects nila sa ABS-CBN.

“Ngayon sa serye, siguro mas gusto ko magkaiba naman po muna. Kanya-kanya mag-grow muna. Seven years na kami loveteam. Gusto ko grow din siya as an actor,” rebelasyon ni Loisa.

Sumang-ayon si Ronnie sa sinabi ng girlfriend at sana raw ay magtuluy-tuloy ang pagganap niya sa mas challenging at buwis-buhay na mga karakter.

“Gusto ko talaga mag-action. Ito (Pira-Pirasong Paraiso) naging training ko. Tama si Lois, napag-usapan namin, kapag may magandang offer, pwede ka magsolo at humiwalay muna,’” sey ng binata.

Gustung-gusto raw niya talaga yung medyo bad boy at intense na mga action scenes, “Yung role na makipagsapakan, barilan. Kaya salamat sa Dreamscape dahil nagawa ko siya rito kahit paano.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa)


Sa tanong kung sino ang type niyang makasama sakaling magpahinga muna ang loveteam nila ni Loisa, kahit sino raw ay game siya. Kahit nga raw sa BL o Boys’ Love series ay payag siya.

Baka Bet Mo: Ronnie Alonte, Loisa Andalio umaming natakot kay Joey de Leon: Pero ang dami naming natutunan sa kanya

“Ako, hindi ako namimili kung sino ang ibibigay nila or isasama sa akin, whether girl or ensemble. BL, kasama ko pa si KD Estrada at Joseph Marco (co-stars sa Pira-Pirasong Paraiso),” ang natatawang chika pa ni Ronnie.

Para naman kay Loisa, “Yung love interest lang pwede. Pero gusto ko maka-work kami girls mga ‘Sex and the City’ peg. Na-enjoy ko itong ‘Pira-Pirasong Paraiso,’ hindi love story talaga. Family siya.”

Ang mga “girls” naman na tinutukoy ng dalaga ay ang mga gumaganap na kapatid niya sa “Pira-Pirasong Paraiso” na sina Charlie Dizon, Elisse Joson at Alexa Ilacad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kung tatanungin daw si Loisa kung ano ang gusto niyang follow-up project nila ni Ronnie sa serye o pelikula, type raw niya yung mala-“Mr. and Mrs. Smith” nina Angelina Jolie at Brad Pitt.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending