Gretchen type ma-achieve ang lips ni Angelina Jolie, pero nagmukhang isda
SA halip na maging kamukha ang Hollywood superstar na si Angelina Jolie, nagmistulang isda ang itsura ni Gretchen Barretto nang ipagawa ang kanyang labi.
Hinding-hindi raw makakalimutan ni La Greta ang araw nang gustung-gusto niyang magkaroon ng super sexy pouty lips na tulad ng kay Angelina.
Sa isang short vlog na in-upload sa YouTube channel ng celebrity beauty doctor na si Aivee Teo, mapapanood ang chikahan nila ni Gretchen tungkol sa mga beauty enhancements na ginawa sa dating aktres.
Baka Bet Mo: Sharon ibinandera ang sexy body; from XXL, medium na lang ngayon
Kung hindi kami nagkakamali, kinunan ang naturang vlog sa naganap na baby shower para sa ipinagbubuntis ng panganay niyang anak na si Dominique Cojuangco.
View this post on Instagram
Mapapanood dito ang masayang chikahan nina Gretchen at Aivee, kasama ang asawa ng beauty doctor na si Dr. Z Teo, at ilang mga kaibigan. Naikuwen5l ni Greta kung paano nagsimula ang friendship nila ni Dra. Aivee.
Pag-alala ni Aivee, 17 years ago nang maging magkaibigan sila ni Gretchen. Madalas daw siyang bumisita sa bahay ng aktres para bigyan ito ng exclusive beauty treatments.
“She would come here, then we put massage beds here (living room). And then she brought… she gave me that mirror thing where you magnify it,” aniya pa.
Pagsang-ayon naman ni Dra. Aivee, “Yeah, two to three times a week, I would come here.”
Tawang-tawa naman si Gretchen nang maalala ang pagpapagawa niya ng lips tulad ng kay Angelina Jolie. Kontra raw si Dra. Aivee sa gustong mangyari ni La Greta pero makulit daw ang aktres.
Super laugh na chika ni Gretchen, “Oh my God, the days of my lips! I wanted to be like Angelina Jolie. I’m like, ‘No Aivee, bigger!’
“She’d say, ‘No, you can’t have it.’ I’m like, ‘Please, please!'” sey pa ni Greta.
View this post on Instagram
Sey ni Dra. Aivee, “Ang kulit-kulit niya! ‘More, more!'” Sabi pa raw sa kanya ni Gretchen, “You can’t leave until you make my lips!'”
Pero sa halip na maging kamukha ni Angelina, “Lumaki nang lumaki! People were like, ‘she looks like a fish.’ But I loved it. Nagagalit na ito (sabay turo kay Aivee).”
Sey naman ng celebrity doctor, “Siya naman may gusto. Alam mo naman si Gretch, pag may gusto siya, ‘Go more!'”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.