Regine, Marian proud kay Elisia Parmisano sa pagiging K-Pop star

Regine, Marian proud na proud kay Elisia Parmisano matapos maging K-Pop star

Pauline del Rosario - January 14, 2024 - 01:43 PM

Regine, Marian proud na proud kay Elisia Parmisano matapos maging K-Pop star

Regine Velasquez, Elisia Parmisano, Marian Rivera

NAKATANGGAP ng papuri ang Pinay trainee na si Elisia Parmisano mula sa dalawang tinitingalang celebrities sa Pilipinas.

Proud na proud sa kanya ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos siyang gumawa ng kasaysayan sa mundo ng K-pop.

Magugunita na ang 14-year-old Filipino ang unang napili na maging miyembro ng upcoming K-Pop girl group na PRISM.

Naka-secure siya ng spot nang makuha niya ang highest ranking na “P-level” sa sinalihan niyang South Korean survival program na “Universe Ticket.”

Sa Instagram, ibinandera ni Regine ang throwback picture nila ni Elisia at inihayag ang kanyang pagkamangha sa trainee.

Baka Bet Mo: Sophia Laforteza palaban sa Korean show na ‘The Debut: Dream Academy’, naka-secure ng No. 2 spot

“This little girl is all grown up now and making a name for herself in the K-pop world,” masayang wika ng Asia’s Songbird.

Mensahe pa niya, “Congratulations Elisia we are very proud of you [red heart emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Ni-reshare naman ng winning contestant sa kanyang Instagram Story ang post ni Regine.

Caption niya, “Thank you so much po, Ate @reginevalcasid. I love you.”

Regine, Marian proud na proud kay Elisia Parmisano matapos maging K-Pop star

PHOTO: Instagram Story/@elisia_parmisano

Matatandaan na dating child actress si Elisia at tumampok sa 2019 show na “Nang Ngumiti ang Langit.”

Masayang-masaya rin si Marian sa naging milestone ng Pinay trainee na inihayag niya sa isang video message.

Sabi ng batikang aktres, tinitiyak niya na malayo ang mararating ng dating child actress na ngayon ay isa nang K-Pop star.

“Hi Elisia, congratulations! Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan, at marami ka pang magagawa at mararating,” sey ni Marian.

Aniya pa, “God bless you more! We’re so proud of you.”

Hindi lang si Elisia ang Filipino na sumali sa nasabing talent show sa South Korea.

Sa katunayan nga ay apat sila –kabilang ang Pinay contestant na si Gehlee Dangca at ang Filipino-Korean na si Jin Hyeon-ju.

Ang dalawa ay kasalukuyan pa ring lumalaban sa kompetisyon upang maka-secure ng pwesto sa bonubuong grupo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang isa pang Pinay candidate na si Aya Natsumi ay natanggal na sa unang parte ng kompetisyon na nagsimula noong November 2023.

Ang “Universe Ticket” ay may 82 contestants na nagmula sa iba’t-ibang parte ng mundo kabilang na ang South Korea, Japan, China, Philippines, Malaysia, Mongolia, Canada, Italy, Australia, Myanmar, Indonesia, at Vietnam.

Ang final lineup o members ng PRISM ay makukumpleto sa final episode ng show na nakatakdang ipalabas sa darating na January 17.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending