Pinay trainee na si Elisia Parmisano pasok sa upcoming K-Pop girl group na UNIS
MUKHANG dumadami ang Filipino talents pagdating sa mundo ng K-Pop!
Paano ba naman kasi, isang Pinay trainee nanaman ang tila gumagawa ng pangalan sa South Korea.
Kilalanin niyo si Elisia Parmisano ang 14-year-old Filipino na naging first member ng upcoming K-Pop girl group na UNIS ng talent agency na F&F Entertainment.
Yes, yes, yes mga Ka-Bandera, siya ang unang naka-secure ng spot upang mapabilang sa bagong binubuong grupo na inanunsyo noong January 10.
So paano nga ba ito nakuha ni Elisia?
Napabilang siya sa upcoming girl group matapos maabot ang “P-level,” ang highest ranking sa sinalihan niyang South Korean survival program na “Universe Ticket.”
Baka Bet Mo: Sophia Laforteza palaban sa Korean show na ‘The Debut: Dream Academy’, naka-secure ng No. 2 spot
Samantala, ang fellow Pinay contestant na si Gehlee Dangca at Filipino-Korean Jin Hyeon-ju ay kasalukuyan pa ring lumalaban sa nasabing talent show upang maka-secure ng pwesto sa nabanggit na grupo.
Habang ang isa pang Pinay candidate na si Aya Natsumi ay natanggal na sa unang parte ng kompetisyon na nagsimula noong November 2023.
Ang “Universe Ticket” ay may 82 contestants na nagmula sa iba’t-ibang parte ng mundo kabilang na ang South Korea, Japan, China, Philippines, Malaysia, Mongolia, Canada, Italy, Australia, Myanmar, Indonesia, at Vietnam.
Kabilang sa coaches ng talent competition ay ang South Korean solo artists na sina Adora at Younha, pati na rin ang singer-actress na si Kim Se-jeong, Girls’ Generation’s Hyoyeon and Lachica’s Rian.
Si Yeji at Chaeryeong naman ng ITZY ay nagsisilbing celebrity mentors ng show.
Ang final lineup o members ng UNIS ay makukumpleto sa final episode ng “Universe Ticket” na ipapalabas sa darating na January 17.
Check out the girls’ Profiles✔
✏Country : 필리핀
✏MBTI : INTP
✏A word of resolution :
우주가 응원하는 나의 기적이 <유니버스 티켓>에 기다리고 있길 기대해 봅니다!#유니버스티켓 #universeticket#SBS #fnfentertainment pic.twitter.com/UAC2hZJm3V— Universe Ticket|유니버스 티켓 (@_universeticket) July 17, 2023
Bago mag-compete si Elisia sa nasabing show, naging tampok siya sa 2019 show na “Nang Ngumiti ang Langit.”
Siya rin ang pinsan ni Marcus, ang pinakabatang miyembro ng global pop group na HORI7ON.
Bukod kay Elisia, may iilang Pinoy na rin ang nakilala na talagang kayang makipagsabayan sa talento ng K-Pop.
Isa na riyan ang Filipina-Argentina actress na si Chantal Videla na isa nang miyembro ng K-Pop girl group na Lapillas na nag-debut noong 2022.
Noong nakaraang taon naman ay ang HORI7ON, ang kauna-unahang all-Filipino group na nag-debut sa South Korea matapos magwagi sa local survival show na “Dream Maker” ng ABS-CBN.
Nandiyan din ang 20-year-old trainee na si Sophia Laforteza, ang isa sa mga maswerteng 20 finalists na nakapasok mula sa 120,000 applicants na nag-audition sa “The Debut: Dream Academy,” ang audition program na inilunsad ng South Korean entertainment company HYBE at Geffen Records.
Tulad ni Elisia, si Sophia ay ang unang member ng bagong K-Pop girl group na “KATSEYE.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.